Napano po si hubby? Tulong po!

Kinakabahan po ako sobra. Masama po pakiramdam ni hubby, inuubo po siya, matamlay, and may konting lagnat. Medyo masikip din po daw dibdib niya. Di ko po alam kung pagod lang siya or virus na ba ito. Baka kasi naninibago lang katawan niya kasi bigla siyang pinag graveyard shift, tas kulang po lagi tulog niya the past days kasi sinasamahan niya ako sa check ups, ultrasound, etc. Nauulanan pa po, tas naiinitan. Siya din po madalas sa gawaing bahay kasi nakabedrest po ako. Manganganak napo ako next week. Kulang po budget namin. And natatakot po talaga ako kung magkavirus si hubby, ibig sabihin at risk din ako saka yung baby. Naiiyak na po talaga ako. Sobrang mahal ng swabtest, pano po kaya ito? Nagparapid test din po pala ako kahapon, negative naman yung result. Sobrang natatakot po ako. Room lang po meron kami and wala akong ibang mapupuntahan. Di maiiwasang magka interact talaga kami 😭

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Try m muna painumin xa ng gamot kng bumaba lagnat nya it mens pagod lng..kng hnd mgresponse sa gamot..pcheck up m na lng za momsh..

mas maganda po kung magpa swab test n sya..libre nman s mga health center ang swab test..para po mas sure kau

Baka may rapid test po sa inyong brgy. O kaya punta na kayo sa ospital. Baka kung ano na mangyari sa hubby mo

Patulong n Po Kayo na madala si hubby sa hospital. Pag nahihirapan huminga emergency na Po iyon.

Tuob mommy. Pakulo ka water na may asin. Baka napasma or napagod lang ng sobra katawan nya :)

VIP Member

Precautions momsh, Mas mabuti I isolate mo muna si hubby mo sa inyo ni baby.

VIP Member

Patoobin neo nkng po ng asin at mainit at painumin gamot at vutamins

VIP Member

painumin mo po ng pinakuluang luya momsh lahukan mo po ng kalamansi

VIP Member

Magpa kulo po kayo ng ginger, lagyan nyo ng calamansi at honey.

VIP Member

Painumin mo sis ng pinakuluang may Lemon or luya ..