Napano po si hubby? Tulong po!

Kinakabahan po ako sobra. Masama po pakiramdam ni hubby, inuubo po siya, matamlay, and may konting lagnat. Medyo masikip din po daw dibdib niya. Di ko po alam kung pagod lang siya or virus na ba ito. Baka kasi naninibago lang katawan niya kasi bigla siyang pinag graveyard shift, tas kulang po lagi tulog niya the past days kasi sinasamahan niya ako sa check ups, ultrasound, etc. Nauulanan pa po, tas naiinitan. Siya din po madalas sa gawaing bahay kasi nakabedrest po ako. Manganganak napo ako next week. Kulang po budget namin. And natatakot po talaga ako kung magkavirus si hubby, ibig sabihin at risk din ako saka yung baby. Naiiyak na po talaga ako. Sobrang mahal ng swabtest, pano po kaya ito? Nagparapid test din po pala ako kahapon, negative naman yung result. Sobrang natatakot po ako. Room lang po meron kami and wala akong ibang mapupuntahan. Di maiiwasang magka interact talaga kami 😭

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magpakulo po kayo ng tubig tapos lagay nyo sa maliit na planggana lagyan nyo ng asin tapos pag taklubin mo ang asawa mo sa kumot para pag pawisan sya. Mga 30 mins basta hanggang sa lumabas lahat ng pawis nya. Pahigupin mo ng pinakuluang luya. Ganyan po nangyare sa tatay ko nito lang nakaraang linggo sumasakit din lalamunan nya. And nag alala din kami na baka virus yun pero hindi naman. Dala lang ng pagod yun. Naulanan din kase. Anyway po mag pray kayo na sana gumaling na sya. Wag kayo masyado mag panic na baka virus yun as long as di naman dumidikit mister mo sa ibang tao. :)

Magbasa pa

Wala bang panlasa ang husband mo kapag ganun painum mo ng suka isang kutsara po...pasuob na din po kayo pakulo po kayo ng tubig pwede mo palagyan ng asin o kahit wala po pagkakakulo po ipasok mo siya sa loob ng kumot kasama husband mo dpat po walang sisingaw tapos singhotin niya po ang init na nilalabas mula sa pinakuluan wag po kayo titigl hanggat may init pa ang tubig at hanggat d pa pinagpapawisan ang husband mo po

Magbasa pa

Same here sis, sa husband ko sumakit muna ung katawan nya the next day may lagnat na sya, hnd maiwasan mag worry lalo na buntis ako. Kaya ginawa namin pina rapidtest namin sya that time to make sure, may swabtest na rin sya 20days ago, ofw kc sya. Thanks to god negative naman..pinaiwas dn muna sya sakin hangat hnd nagiging ok pakiramdam nya..

Magbasa pa

Suob po, effective siya. 2 times hubby ko nagkaganyan, nagsusuob agad siya 1st day palang ng nararamdaman niya. Then hot water talaga iniinom niya every 30 minutes, wag po muna kayo magtabi para hindi ka niya mahingahan. Bukod mo din ginagamit nya pag kumakain, mabuti na po ang nag iingat.

Isolate ka na mommy or c hubby. Ganyan din po nangyari sa amin after 1 day ako naman un nagkasakit. Home remedies lang katulad ng mga advices nila tuob, hot water, masabaw na ulam luya, lemon. Magpa swab test na rin kau lalo ka na bka hanapan ka ng hospital na aanakan mo.

Momsh nagpaswab ka na ba? Dapat bago ka po manganak may hawak kang swab result pati husband mo. Sobrang hirap po makahanap ng ospital na tumatanggap ng may cov.id. Habang maaga po dapat malaman niyo na para makapagready kayo in case (wag naman sana) positive.

vitamins po sis... kulang ng vitamins si hubby mo.. sa panahon ngayon kailangan ng vitamins po... panlaban sa mga sakit... try nyo painumin ng 2 glasses of warm water every morning na meron kaunting asin po...

Ganyan asawa ko mom's nilagnat KC nabasa sa Ilan at may ubo pero may plema. Ang dilikado po Walang plema . Pinainom kolang rubitosin nawala agad

VIP Member

Try nyo patuobin sya sis.pag umulan kuha ka ng kunti tapos un ang ipang tuob mo sa asawa mo.pagkatapos lagyan mo sya sa ulo nya.mabisa dn kc un

nainom po b ng vitamins c hubby? bk nanghina immune system nia. try nu po painumin sia ng vitamins, samahan nu n rin ng pineapple juice 😊