Feeling down

Hi mommies need some advice. Feeling down pang talaga lately. Di ko alam kung sign ba tp ng PPD eh mag 11mos na si LO. Anyway, meron po ba dito na pakiramdam nila wala silng kwenta? Yung parang kahit ginagawa mo lahat hindi enough. Wala namanh problema kay hubby its just ako lang yung may ganung feeling. And ang hirap nyang labanan. Pakiramdam ko po kasi wala akong kwenta. Naging full time mom na kasi ako since mapanganak si baby. And parang di ako sanay ng wala akong sariling pera. Tinry ko naman mag wfh kaso hindi kaya kasi sobrang clingy ni baby and EBF po kami. Before kasi office girl ako. Di ko alam pano lalabanan ganitong feeling. Gusto kong magwork kaso ayoko naman ipagkatiwala si baby sa iba, lalo na sa panahon ngayon. Please help๐Ÿ˜” thank you po

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Me, ganyan din ang feeling ko like I wasn't good enough. I gave up also my career noong nabuntis po ako and til now ako pa rin ang mag isang nag aalaga kay baby. Nawala rin lahat ng luho ko at never naman ako nanghingi sa asawa ko. Unless bigyan nya ko pero most of the time wala akong sariling pera. Yung daddy nya is maikli ang pasensya sa bata. May mga relatives at family din ako dito pero di naman sila nag ooffer ng help sa pag aalaga sa anak ko and that's fine with me. Mas gusto ko na ako lang din ang nag aalaga sa bata. Kaso there are times na nakakapagod talaga lalo na ngayon turning two na ang anak ko and clinically diagnosed pa ako with two types of depression. Major depressive disorder and manic depressive disorder so it's really hard pero mas iniisip ko yung anak ko. I know lilipas din to. Sending hugs to you mommy. ๐Ÿ’• Alam ko mahirap but we need to be courageous para sa anak natin. I highly suggest na magpa consult ka din sa Psychiatrist para madiagnose ka properly. Akala ko dati may PPD lang ako pero it's worser than I thought.

Magbasa pa
4y ago

If napoprovide naman momsh ni hubby yung pangangailangan nyo ni baby, siguro focus ka muna ngayon kay baby. Naiintindihan ko yung nararamdaman mo, na gusto mo magtrabaho dahil sanay ka sa pagiging career woman pero hindi pa pwede dahil walang mag aalaga kay baby. Everytime na madadown ka or madedepress ka, tingnan mo lang si baby. Sa ganyang edad tayo pa yung mundo nila, sa atin pa umiikot ang buhay nila kaya cheer up. Enjoy mo lang yung moments na yan mommy. Habang super clingy at lambing pa si baby. Minsan lang sila bata, habang tumatanda sila mas nagiging independent na sila. Magugulat na lang tayo na one day, hindi na nila tayo ganoon ka kelangan. Mas maganda na every milestone ni baby nawiwitness mo mommy. We have all the time naman na makapagtrabaho sa susunod. Laban lang mommy! ๐Ÿ’• Isa lang to sa mga challenging phase ng motherhood. God bless.