42 Replies

Palayain mo na sis. Makakadagdag lang sa stressed mo yung kakaisip sa kanya, kung mapaninindigan ka ba or kung anong plano nya para sa inyo ng baby mo. Nakakaloka... Binuntis nya talaga yung isa diba??? Dun pa lang hindi na kapatawad-tawad yon. Hayaan mo na sya, may baby ka naman na. Mahirap maging single parent pero mas mahirap makisama sa lalaking walang kasiguraduhan. Sasama lang lagi ang loob mo. Wag mo ipakuta anak mo sa kanya buset sya.

Ginagawa ka na nilang tanga sa case na ganyan. Bakit mo pa hahayaan? Hindi naman kawalan ang mga lalaking ganyan.. sabi nga nila, "maniwala ka lang, magkakatotoo din yan" pwes maniwala ka na lang na may karma para sa mga taong ganyan. Kailangan mong irelax ang utak mo para sa baby mo. Hindi na lang ikaw lang ngayon, kailangan ka rin ni baby kaya ipagdasal mo nlng sila.. na hindi rin sana mangyari sa girl yung nangyari sayo 😊

IF HE REALLY LOVES YOU HE WON'T DO THAT SH*T! sorry sa words mamsh. Pero kailangan mo tatagan loob be a supermom sa iyong baby kaya mo yan kahit wala sya. Kasi once a cheater always a cheater pag tinuloy mo pa yan may posibilidad na gawin nya ulit. Ok na palayain ng mas maaga kisa naman mag dusa kayo ng baby mo hanggang sa huli. Just an advice sis concern lang ako sainyo ng baby mo bawal pa stress satin na mga buntis

😥 in your case, if you can raise your child. . alone, let him go. nandun na tayo na mahirap makita na lumalaki ang baby mo na hindi kayo magkasama ng father niya, but still pwede mo parin ipakilala sa baby mo ang ama niya. Advice ko sis, mas mahirap siguro ituloy ang relationship if you know you'll suffer and you don't when it will end. You never know sis, someone is willing to love you and your baby.

kung baby mo po iniisip mo ngayon hayaan mo na lang bf mo para di ka mastress kc mkakasama yan sa inyo ni baby mo.. 3mons din akong pregnant ngayon and di ko sure kung may aasahan pa ko sa bf ko.. mas ok na libangin mo sarili mo para di mo sya masyado isipin and maghanap ka ng friend na mapagkakatiwalaan mo or relative para makapagbigay sayo ng advice sa situation mo ngayon ☺

Nako hayaan mo na siya sis. Pero hingan mo siya ng sustento kasi nasa batas yan. Ngayon dalawang bata bubuhayin niya. Soon hindi naman imposibleng makahanap kapa ng totoong lalaki para sayo, yung dika gagaguhin ng ganyan. Pahalagahan mo rin sarili mo. Maging matatag ka an md syempre magtiwala ka kay Lord, may magagandang plano Siya for you at sa magiging baby mo.

VIP Member

papiliin mo po kaya siya? kasi mahihirapan ka lang din e tsaka kung yun man ang mas gustong piliin pati yung baby niyo maapektuhan lalo na paglaki niya. Siguro mahal mo, pero minsan tayong mga babae may limitasyon din. Kaya mo naman sigurong gampanan ang pagiging ama at ina ni baby mo, kaysa ipilit mong magpakaama sa kanya yung ganyang klaseng lalaki.

VIP Member

Kausapin mo sya. Kung mahal ka talaga nya atleast aminin nya yung totoo kung bakit may comms pa sila. Kung ayaw tumigil hayaan mo na sya. Magpakatatag ka para sa inyong dalawa ng bata. Tibayan mo loob mo. Magfocus ka, magpray. Kung nasasaktan ka, iyak ka lang. Mapapagod ka din. Isipin mo its just a matter of time, magiging okay din ang lahat.

Hayaan mo na lang sya momsh mag sisi din yan balang araw hangat ipapakita naten sallaake na hindi naten sila kayang iwan masa lalo silang nati triggered na mag loko pakita mo string ka sis kahit ayaw mo the more na pinapakita nating strong tayo doon sila nakakapag isip ng kung ano ano kaya sis kung support naman family mo hayaan mo na si bf

Masakit talaga kapag walang tatay yung baby natin. Pero mas masakit kung andyan nga sya pero iba naman nasa utak niya.

THANK YOU GUYS SA MGA ADVICES. MUCH APPRECIATED, TAMA KAYO AYOKO NA MUNANG IISTRESS SARILI KO, KAHIT NA YUNG BABAE LAGI NANGUNGUNA, NAGPOPOST NG MGA PICS NILA NUNG BF KO, SIGURO INISIP KO NA LANG BAKA GUSTO NIYA LANG TALAGA KAMING MASIRA, SA NGAYON SI BABY MUNA IISIPIN KO. WALA NANG IBA

tama po si baby muna kse bawal mastress😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles