Hello Mommies

Share ko lang. Na rape ako last year at nabuntis, inako ng bf yung baby at tanggap nya. Nanganak na ako nung August 30 at nag post sya ng pic sa baby. Kamukha ko yung baby at happy ako dun kasi ayaw ko ma alala yung lalakeng gumawa nito. Pero may nakita akong nag pm sa bf ko yung cousin nya, di daw kamukha ng bf ko at nag question siya na parang sa kanya ba talaga yung baby. Tapos yung parents nya parang disappointed (di alam ng parents na di sa kanya ang baby). Di ko alam anong gagawin ko, iyak ako ng iyak ngayon, ang hirap. Sana di ko nlang pina ako ni bf ang baby, kaya ko nman kami lang. Ang hirap, di ko alam gagawin ko ngayon.

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh, insulto sa bf mo yang reaction mo na yan. Sobrang mahal ka ng bf mo para akuin niya yung baby mo and I commend both of you for raising your little angel despite sa mga nangyari. Be prepared, may masasabi at masasabi po talaga ang ibang tao. Sa panahon ngayon dapat magpakatatag kayo lalo ng bf mo. Support each other momsh and wag mo siyang itulak palayo sa'yo kasi rare as a diamond na mga ganyang klaseng lalaki. Ipakita mo sakanya na hindi naging mali yung desisyon niya to stand by your side kasi masakit sakanya yung ganong nagdodoubt ka sakanya. Wag mong pansinin mga sinasabi ng ibang tao, ang mahalaga may understanding kayong dalawa. Secret niyo na yon and bond. Pray momsh for healing. Praying for the three of you 🙏❤

Magbasa pa

Dear, it's alright. You didn't want what happened to you naman e. Hindi mo naman din ipinilit sa bf mo na akuin ang baby. It's his choice. But you should make sure na mamahalin mo yung anak mo over your bf. And make sure na mahal din ng bf mo yung anak mo. Always choose your child. Ikaw lang ang meron yang batang yan. Hindi nya kasalanan na nabuo sya. The child is innocent. Also, I think you should tell the truth na hindi sa bf mo yung anak mo. Mahirap ang may tinatago. Believe me. If hindi nila tanggap, stand on your own. You don't need judgemental people around you. Focus on your child.

Magbasa pa
VIP Member

Nope, other mommies out there, please, let's not justify rape culture. Nakakalungkot na saatin pa talaga mismo kapwa kababaihan nanggagaling na kesyo hindi nag iingat o may kinalaman sa kasuotan. RAPE IS RAPE, REGARDLESS. Also, let's not judge her. Walang babae o lalake na ginusto ma-rape. 😔 And for you mumsh, this world is a cruel place. We all are sinners but God is more than willing to comfort us, tawag ka lang skanya.. And cast all your cares upon him. 🙏

Magbasa pa
5y ago

I strongly agree mumsh..

Ang importante yung tinanggap ng bf mo yung anak mo. Tapos! Kase sya yung kasama mo everyday, sya yung katuwang mo sa lahat ng bagay. Sya yung kabiyak ng puso mo. Baka sya na rin magiging kasama mo hanggang sa pagtanda. yun yon te. Wag mong intindihin yung mga kamag anak nya, at the end of the day, di naman sila ung nakakasama mo. Mas mahirap kung di alam ng bf mo na narape ka tapos sinabi mong anak nya mismo yan. Diba?

Magbasa pa

May kilala akong ganyan ang case inako ng lalaki yung bata parehas din sila ng apelyido but at the end of the day nag hiwalay sila at yung lalaki sinabe sa lahat na hindi na anak yung anak ng friend ko tapos gusto din ng lalaki na tanggalin na yung apelyido nya sa bata . Anlaking gulo sobra stress sobra yung friend ko . Pag isipan mong maigi mga kilos mo sis siguraduhin mong di ka mag sisi sa huli .

Magbasa pa

Sissy wag mo isipin sasabihin nila sayo oo masakit pag nalaman nila na hindi yun sa anak nila or pinsan o kapatid man yan thankful ka kase naintindihan ka nya atsaka siguro maiintindihan din kayo ng parents nya if sasabihin nyo yung totoo sa kanila tanggap ka ng boyfriend mo pero ipag dasal mo din pag handa kana sabihin sa magulang ni boy na narape ka sana wag ka nilang husgahan

Magbasa pa

Mamsh ang importante nagkakaintindihan kayo ng bf mo. Kung tanggap naman niya, masaya siya at mahal niya kayong dalawa, hayaan mo na yung ibang tao. Makakatulong din siguro mamsh na magheart to heart talk kayo ng bf mo, for sure thankful ka din naman sa ginawa niyang pag ako. Voice out mo sakanya yun, na nappreciate mo yung ginawa niya.

Magbasa pa
5y ago

Mahirap talaga kalimutan yung nangyari sayo mamsh. Ang mahalaga may support system ka, nanjan si bf mo para akayin ka. Pero syempre, ikaw din ang strength ni bf mo mamsh. Kung may hinaharap nga siyang mga pagsasalita mula sa family niya, iparamdam mo din sakanya na nanjan ka at masasandalan ka niya sa choice na ginawa niya. Lakas niyo ni bf mo ang isat isa mamsh. Maging malakas kayo para sa isat isa :)

Wag mo nalang intindihin yung sinasabi ng iba, pasasakitin mo lang ulo mo sa pag-iisip ng kung anu-anong bagay. Ang importante eh mahal kayong mag-ina ng boyfriend mo at tanggap nya yung baby ng walang halong pagaalinlangan.😊

The art of dedma na lang mamsh. As long as na happy kayong dalawa at si baby.. No one else should matter. I pray for your healing kasi napakatraumatic yung nangyare sayo at blessing din si bf kasi sinuportahan ka nia.

mommy wala kang dapat patunayan sa ibang tao, sa anak mo lang po at sarili mo at syempre sa dyos. 😘 matuto po tayo na wag isipin sasabihin ng iba at sinasabi ng iba. para tayo ay maging masaya. virtual hugs!