Cheater

Kelangan ko na bang iwanan ang bf ko na nakabuntis din nang iba, siguro 3mos. Pregnant na din yung babae, pero alam nila both na buntis na ko, tapos malaman laman ko binuntis niya din yung karelasyon niya, kasi daw last year pa nila gustong magka anak, i know hanggang ngayon may communication parin sila.. Naawa ako sa magiging baby ko.. Sa ngayon mag pa 5mos. Na siya sa tiyan ko. Hirap mag isip ng matino, minsan naiiyak na lang ako sa sobrang sakit, bat ganun mga lalaki ngayon? Ponapahiwalay ko siya dun kasi ako daw sasamahan niya pero wala siyang maipakitang ebidensiya na hiwalay na sila.. Malakas kutob ko na di parin nila tinitigilan ang isat isa. Hahayaan ko na lang ba yung bf ko dun sa isa? Ang hirap na mag isip mga mamshie ?? sa ngayon yung baby ko inaalala ko..

42 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung ako sa sitwasyun mo sis. Iwan kona sya in a first place kung mahal ka nya bakit nya gagawin na lokohin ka. Tapos naka buntis pa sya. Isipin mo nalang ang baby mo. Wag kang pa stress sa maling tao! Mas maawa ka sa baby mo kung makikipag sama kapa sa walang kwenta mong boy friend (sorry for my words) now your worth sis! Mas makaka buti yung matutulog ka sa gabi na may peace of mind ka. Kasi kung pakikisamahan molang sya walang maidudulot na maganda! Kahit sabihin pa nya na ikaw ang pakikisamahan nya. Wala din gawa ng may mga responsibilities pa sya sa iba. Pag usapan nyo nalang sis ang sustento nya sa bata dahil karapatan naman nya yan! Atleast may baby ka! Kay baby kanalang mag focus! Mas sasaya kapa walang stress!! 😊😊 good luck sisπŸ˜‰ nawa maka isip ka! Alam ko naman gusto mong ma voice out ang nararamdaman mo. But sana din maka tulong sayo tong clan na to! πŸ™πŸΌπŸ‘

Magbasa pa

Ang tibay ng bf mo mommy pati nung babae nya. Mapapamura ka talaga! Last year pa pala nila gustong magka anak, eh bakit jinowa ka pa? Sana nag stick na lang siya dun sa isa. Alam na niyang buntis ka na, nangbuntis pa ng iba. Ang sakit sa ulo ng bf mo! Mahirap hindi mastress lalo na sa ganyang sitwasyon, pero as much as possible control mo emotions mo para na din kay baby. If I were you, iiwan ko na yan tutal kabastusan lang din naman ung ginawa nila sayo. Useless kung papapiliin mo dahil obviously naman na di niya kaya hiwalayan ung isa since tinuloy pa din nila ung plan nila mag anak, knowing na buntis ka na. Pray ka for guidance and hingi ka advice sa family mo, Im sure matutulungan ka nila. Be strong. πŸ’•πŸ™

Magbasa pa

Ba't ka pa ba nag titiis sa boyfriend mo, may kenikeringking palang iba pero ikaw at ang baby niyo nasasakta. Ako po sa sitwasyon nyu iiwan ko yung boyfriend na ganyan akala mong kung sinong lalaki daming puso. Hays nako ateng maeestress ka lang dyan. Ako sayu wag ka mag pakatanga. Ipakit mo sakanya kahit sino pipiliin nya kaya mong wala sya. Kasi kung sauna palang dapat di sya mahanap o pupunta sa babae nya kung sapat ka sa kanya. Be strong and face the challenge that you might conquer with your baby. Kasi tayong mga babae matatag tayo sa anong mang problema na dadating sa atin para mga anak natin. Hirap man gawin ang pabayaan sya pero kakayanin mo yan at ipakita sa kanya kung ano sinayang nya.

Magbasa pa
VIP Member

Panong nangyare na last year pa nila balak mag ka baby sis. So ibig sabhin ba nun matagal na sila nung babae ng bf mo or ikaw yung bago nya ngayon :3 nakaka confused.. Anw kung ako ikaw mag focus ka sa baby mo lalo na alam mo na magkakaanak na din sya sa iba alam mo sa sarili mo kung kailan ka titigil o hindi desisyon mo parin yun basta alagaan mo ang baby mo at sarili mo ma sstress ka lang sis alam ko hindi madali pero lagi mo isipin na may little angel ka na kumakapit sayo para mabuhay sya na bukas bukas tatawag ng mama sayo. Magopen ka sa family mo ng problem mo kasi sila lng makakatulong sayo.. Samahan mo na rin ng pray for you and your baby safety.

Magbasa pa
6y ago

Kami talaga ang matagal na.. Last year lang sila nung babae, teacher pa man din yung babae, alam na niyang may ibang jowa bf ko pero di niya oinapakawalan yung babae mahirap mang husga is may anak din sa iba.. Ang masakit lang pag balik ko dito sa manila sila na nang di ko alam 3years na kami ng bf ko. Hayy hirap talaga di ko alam kung totoo talaga lahat ng pangako siya sakin

ikaw lang po ang makakapagdecide nyan pero kung sa akin yan nangyari iiwan ko na sya..kasi buntis na ako pero niloloko pa rin nya ako...ndi na magbabago ang ganyang klaseng lalaki lalu na ngayon na pantay na kayo nung babae nya, pareho na kayong pinagbubuntis ang anak nya, siguradong hindi na nya kayang iwan yan para sa inyo ng anak mo...self respect na lang so sa akin iiwan ko ang ganyang klaseng tao..kung ikaw talaga ang gusto nya babalik at babalik naman sya pero sigurado kasama mo na din sa buhay nyong mag-ina yung may kahati kayo sa kanya dahil nga duon sa isang anak nya at ciempre yung nanay din nung anak nya..

Magbasa pa

hayaan mo na b.f mo, pamigay mo na tutal kalat lang sya sa buhay mo. basta wag mong kalimutang ipaalala yung responsibility nya sa anak mo. ppwede mo syang kasuhan pag tumagi sya. be strong para anak mo. build and fix ur self para sa anak mo. ibuhos mo yung katiting na natitirang pag mamahal sa anak mo. wag mo ng ikeep ung b.f mo, pinag sabihan mo na sya. binagyan mo na ng chance i think it's time to think for ur self naman. wasak kana, wag mo ng hayaang durugin kapa nya. wag mong pangarapin na maging asawa o partner si b.f di mo worth it. you'll see 5years from now. masasabi mong "buti nalang".

Magbasa pa

aba. nagkakalat ng lahi yung jowa mo teh. pag nagpatuloy kapa jan sa ganyang lalake teh. baka mambuntis pa yan ng iba. at dumami pa kayo na mabuntis niya. gusto mo ba na yung jowa mo ay maraming anak sa ibat ibang babae? hihintayin mopa bang magkatulo ka o hiv?? na yung gumagalaw sayo e gumagalaw din ng iba?? hayaan mo na siya teh kung gusto niya mambuntis ng mambuntis. kesa habambuhay mo siyang alalahanin at sumakit pa ang ulo mo sakanya. di porket single mom ka wala ng papatol sayo. hayaan mo na siya. mahalin monalang ang anak mo.

Magbasa pa

Kung ako nasa situation mo sis, iiwanan ko na xa kasi bf pa lang naman. Pero make sure na may support kang matatanggap sknya sis wag mo xa hayaan na makatakas na walang responsibilidad sainyu ni baby. Pagawin mo xa ng letter kaharap nyu brgy officials na inaamin nya anak nya si baby at nangangako xa na susuportahan nya si baby para may pinanghahawakan ka. Mahirap magpalaki ng bata.. Para sakin once a cheater, always a cheater. Kung ipagpapatuloy mo relationship nyu sis, nd na ba xa magccheat in the future?

Magbasa pa

I don't usually advice na maghiwalay pag may ganyang situation. Kaya lang momsh, once a cheater will always be a cheater. Keri pa tanggapin kung may ibang babae sya, kaso nabuntis din nya e. Di pa ba sya kontento sa inyo? Mahirap makihati sa atensyon palang, yan pa kaya na may anak din. Kung di sya pipirmi sayo makipaghiwalay kana lang. Mag focus ka nalang sa baby mo kasi wlang madudulot na maganda yang bf mo sayo at sa baby mo. Bawal pa naman ma stress pag buntis.

Magbasa pa

Let go nalang mommy. Pero ask din si guy kung anong balak niya, dalawa na magiging anak niya eh. For me, better na hiwalayan niya kayong dalawa and bigyan ng suporta sa mga anak niya. Kahit na sabihin mo na hiwalayan niya yung isa, magkakaroon at magkakaroon parin sila ng communication dahil nga magkakaroon din sila ng anak. Parang sa inyo lang din, magkakaroon parin kayo ng communication dahil magkakaroon kayo ng anak. Unless nalang na ititigil mo.

Magbasa pa