share lang po wag po sana mabash?

Kaway kaway po sa mga mommies dyan kagaya ko na namili ng mga pamasko at pang regalo sa mga inaanak. Kay hubby mula ulo hanggang pa brandnew Kay lo mula pony tail hanggang paa brandnew Hahahha ako pinarepair ko lang pantalon ko na bigay ng ate ko para maging fit Sapatos ko nung dalaga pa ko pinaputi ko lang damit ko bigay din ng isa kong ate mga pinagliitan nya..??? Hinahanap ng asawa ko yung para sakin sa pinamili namin pero wala sya nakita.?? Ok na po sakin yun basta happy yung mag ama ko..? Sa mga inaanak nya toys and bags binili ko . Yung sakin puro nasa probinsya mga inaanak ko eh haha. Share lang po natuwa lang ako kasi nung dalaga ako palagi ako naka bago kapag pasko minsan branded pa ngayon preloved ok na ko?? Kayo mga momsh ano mga pinamili nyong pamasko para sa family nyo?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! Ako di na bumili for my family nagrready kasi para sa paglabas ni baby next year. Mga inaanak nlang binilhan ko gift thru online hirap kasi mamili sa mall daming tao πŸ˜‚

Ganto ata talaga pag nanay na. Inuuna asawa at anak bago sa sarili