mother in law

May katulad kaya ako dito na palaging sinasabihan ng pangit ng MIL ang anak. Palagi nalang nya sinasabihan ng pangit, blackie, bulldog, brownie, at lahat ito sinasabi nya kahit ako ang may karga sa baby ko at naririnig ko. Kanina umaga sa harap pa ng ibang tao, paulit ulit nya tinawag na pangit pangit pangit yung anak ko. Di po ako nagsasalita kasi currently, sa kanila kami nakatira (thankfully, ilang days nalang magkakaroon na kami sarili place to live separate from them) and out of respect na din dahil matanda na sya, 70 yrs old, and syempre nanay sya ng mahal ko. Sobrang sakit lang minsan kaya di ko maiwasan pansinin. Eto po pala si baby, 3 months old na. 3 buwan nya na rin sinasabihan ng kung ano anong masakit sa pandinig.

mother in law
686 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka po binabaliktad lng nya kc may kasabihan sa amin na pag laging pogi or mganda ang tawag sa baby ay nauusog or nakukursunada mg mga taong di nakikita. May pamangkin po ako nun, nung baby pa sya kabaliktaran tawag nmin sa kanya....like pangit khit ng sis ko na ina nya ay ganun din tawag pag nilalalambing ang baby at kinakausap lng nmin sya at inaalagaan.... pero tawag lng un at super din nmn ang love nmin sa baby. Para lng din sa pagmamahal sa baby dahil nga sa takot na baka mausog or mapano si baby. Sabagay, iba iba po tayo ng paniniwala. At kung magktaon n ibang tao ang tumawag sa baby ko ganun ay sasama din ang loob ko...

Magbasa pa