Husband Duty
Kasama niyo ba lagi si husband tuwing prenatal check up niyo? In 9months si husband kasi naka 3x pa lang ako sinamahan. Due to his schedule bawal weekend. Wala lang, naingit lang ako sa mga kasabay ko. Ugh! Emotional attack! ?
For the first baby, yes. Ngayon kasi patients lang pinapapasok sa clinic, kahit nung nagpaultrasound ako, bawal din sya. Precaution na rin dahil sa Covid pero feel ko yung disappointment nya na di sya pwede sumama. Next visit irerecord ko yung heartbeat para naman matuwa sya pag uwi ko 😅
Nung nag start na full term ko kasama ko na lagi Mother ko, yung partner ko kasi inabot ng Lockdown kaya hindi na nakauwi and mas iniisip namin yung magiging gastos kung uuwi pa sya dito nandon kasi work nya. Importante naman yung makaraos kami ng safe mag-ina nya and healthy. 💕🤗
Nung first trimester lng. Pero okay lng kasi kailangan namin paghandaan panganganak ko kaya need nya talaga magtrabaho. Madalas kasi Saturday ng Hapon checkup ko eh sunday off nya lng. Pero pag Ultrasound always present sya ahahah. Pero dipende pa rin yan sa situation ☺️
ako pag my work si husband ko hindi sya nakakasama pero pag wala syang work sumasama sya sakin nong nag pa first ultrasound naman ako hindi sya kasama kasi nga nasa work pang second naman ganon din hahahahaha pero ok lang 😊 kasi mas need mag work para my pang bili ng needs ng baby🙂
Yes kasi ayaw na niya ako payagan mag drive. Pero don't feel bad mommy ha. I'm sure na kung may choice lang husband niyo, he'd go to every single check up with you. Baka talagang hindi lang maka leave basta basta. Isipin niyo nalang po na he's working extra hard for you and baby. ❤️
yup!!!😊yung husband ko.. every prenatal check sinasamahan talaga ako.. ayaw niyang ma missed yung mga sinasabi ng OB ko about samin n bby😍😍nag che-change talaga siya ng schedule or shift pag check up ko...pero sis.. depende naman kasi ,intindihin mu nalang..
hubby ko nmn bumawi ngayon sa 3rd baby namin... from the first prenatal till now na malapit na ako i repeat cs, pati sa mga laboratories and bili ng mga things..kasama sya. 😊 kung kelan kami tumanda tsaka naging thoughtful and sweet😂😂😂. im 39 and he's 43 😬😬😬
Hindi palagi if his time at work permits lang since kailangan talaga siya lagi sa office and I understand. Weekdays din ako nagpapacheck up para yung weekends and off ni hubby, family time na lang namin. 😊 But now, kasama na siya sa lahat ng pedia appointments ni baby. ❤️
Actually, not a big deal for me kung di minsan makasama husband ko. He's working and most of the time my appointment set on a weekday. Mas flexi ang oras ko kesa sa kanya tsaka ayoko din siya masyado nag aantay ng matagal sa clinic ng ob. Don't be sad :)
Oknlang yan mamsh understand nalan work ni hubby aq d lahay chekup q kasama q c hubby but its ok no big deal kc need nya work for us. Wag mo po dibdibin importante first chekup. Tpos un sa gender na amd then un tlgang need mo na kasama pag kabuwanan na.