Husband Duty

Kasama niyo ba lagi si husband tuwing prenatal check up niyo? In 9months si husband kasi naka 3x pa lang ako sinamahan. Due to his schedule bawal weekend. Wala lang, naingit lang ako sa mga kasabay ko. Ugh! Emotional attack! ?

460 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ako mommy sa aking experience, hindi ko nakakasama si mister kasi may work siya. Since malapit lang kami sa public hospital kung saan rin ako nanganak, nilalakad ko nalang kapag pumatak na yung 8am. But before that, napunta na kami ni hubby ng mga 5:30am para maglista. Since public po iyon, marami kami kaya ang goal is unahan talaga para kapag dumating si Doctor, first come first serve talaga. Kaya its either ako yung una or pangalawa. After magpalista, uwi n kami then balik na ako ng 8am. Maglalakad nalang and way of exercise narin kasi. Aalis narin si mister puntang work ng mga 6:15am ☺️ Sa journey ng pagbubutis ko, sa ultrasound check-up lang ako nasamahan ni mister. Yes, promise! Hehe, pero I don't think that days naman as negative. Kasi goal talaga niya ipon and super aggressive to work hard kasi nga may baby na kami. Naiintindihan ko yung over time at late niya pag-uwi.

Magbasa pa
TapFluencer

Nung mga unang check up ko na maliit pa tiyan ko hanggang 4 months, hindi siya sumasama. Pero pinapasamahan niya ko sa sister niya. Nung mag 5 months, kusa na siyang sumasama. Ginagawa niya nag-oot siya ng madami para may pang off setting siya na anytime ako magpacheck up pwede siya umabsent sa work. Hindi naman din ako magtatampo kung sakali na di niya ko masamahan. Importante din kasi ang work. Ano kakainin namin kung masyado siyang tutok sakin? Para sakin ok lang na hindi siya kasama sa check up. Kung magpapaultrasound na lang siguro para may idea din siya first hand ng development ni baby.

Magbasa pa

ok lang yan momshy, para sa inyo din nmn ni baby qng bkt ngwowork c hubby😊... swerte mo nga at kht papano kasama mo araw araw c hubby i mean umuuwi sya sa iyo araw araw at nasamahan ka kht 3x pa lang sa check up, in my case LDR kc kmi ng husband ko kc sa manila sya nagwowork tapos ako andito sa probinsya... almost 33 weeks pregnant na ako ngayon at 3-4 times plang sya nakauwi dto during netong pagbubuntis ko at minsan palang nasamahan mgpacheck up, pero feel ko nmn ung love and support nya sakin at sa magiging baby namin kht mgkalayo kmi😊😊😊... God bless!

Magbasa pa
VIP Member

Never ako sinamahan πŸ˜‚ Kahit day off niya, ayaw niya sumama. Kaya first time niya ma meet OB ko nung nanganak ako. Yung sa clinic kasi ng Sonologist namin, bawal talaga kasama unless bata or senior. Mag aantay lang ang companion sa waiting area ng building. Sa OB ko naman, walang parking kaya hassle pag kasama pa siya. Okay lang naman sakin kasi feel ko pa rin naman support niya kahit wala siya dun physically. Excited pa rin naman siya makibalita sa progress ni baby after mg check up.

Magbasa pa
VIP Member

25weeks preggy here. and sa ilan checkups ko na, twice lang po hindi nakasama si hubby. gusto din po kasi talaga nia sumasama lalo na pag may ultrasound. pinipilit nia po mag leave sa work pag sched ko ng prenatal visit sa ob. pag approved, edi ok. pag hindi, wala sya magagawa. 😊😊😊 sakin ok lang naman kahit mag isa ako... lalo na work naman ang dahilan kaya di sya makakasama. pero pag ang hubby mo walang work, no excuse yan para di sya sumama diba. ✌😊

Magbasa pa

Sakin always ko po syang kasama during checkups. Excited din kasi sya makita si baby sa ultrasound. Nonetheless, dont worry sis if hindi sya nakakasama kasi lahat ng ginagawa nya is for u and ur baby..may kayod instinct kasi ang lalaki once the wife gets pregnant so isipin mo na lang love kayo ni hubby mo kaya minsan he has to skip checkup to earn a living. Mahirap man pero iwasan lang self pity para si affected si baby. God bless you sis!

Magbasa pa

Ako never ko nakasama partner ko sa tuwing may check up kame ni baby. mag 7months na akong preggy ngayon. dahil LDR kame ng partner ko, Nasa gensan siya nag wowork siya para samin ng anak niya and iniintindi ko naman yun para din may pang gastos kame ng anak nya. Hanggang manganak siguro ako hindi ko siya makakasama kase 2weeks lang binibigay sa kanyang leave. kaya gusto nya before mag 1month ang anak niya tsaka nalang siya punta para makasama niya kahet saglit.

Magbasa pa
VIP Member

hugggs mommy! πŸ’• I understand what you feel. pero every family has a different setup so baka with yout hubby's sched, hindi talaga kaya na makasama mo siya lagi πŸ™ But that doesnt mean di ka niya love. Hormones are unpredictable talaga pag buntis hihihi 😘 One thing I can reco is you talk to your hubby about it. it would be good to let him know what you feel para din aware sya and he can reassure you 😊

Magbasa pa

nung first pregnancy ko, ldr kami ni lip. ganiyan din ako naiinggit ako sa mga kasabay kong nagpapacheck-up, nalulungkot ako pero nung umuwi na siya always niya na kong sinasamahan. minsan siya pa nagtatanong sa ob ko kung bakit ganto ganiyan πŸ˜… pero now sa second, hindi na ko nagpapasama kasi need ng bantay ng panganay namin pero madalas sinasamahan nila ko mag-ama pero sa labas lang sila since need ng social distancing πŸ˜…

Magbasa pa

Sa 1st baby lagi ko talaga siya kasama ayaw niya ko papuntahin mag isa, pag di siya available si MIL pinapakiusapan niyang samahan ako that was pre pandemic. Then ngayon sa 2nd baby, tinataon ko na weekend ako nagpapacheck up para off niya kaso nasa kotse lang sila ni panganay ayoko rin na isama pa siya sa loob ng clinic para iwas exposure na rin :) ok lang yan mommy as long as inaalagaan naman niya kayo in other ways hehe

Magbasa pa