Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
I didn't lose myself in Motherhood, I found myself!
For Sale Crib/Bassinet
For Sale po Bassinet ng baby ko. Php 1500 Fixed Price. Paki-tap lang po ng picture tapos swipe for more photos. Cuddlebug po brand with Free Comforter na rin po na Hello Dolly brand. Pwede syang iduyan or pwede ring steady lang. ifi-flip nyo lang po yung gulong sa ilalim, ganun lang kasimple. Super dali lang din po isetup at itupi. Perfect po sya sa may mga maliit na spaces tulad ng kwarto namin. Net yung gilid para kita mo pa rin si baby and iwas gapang pa ng ipis or insecto kasi may net po sya. May mini basket din po sya sa ilalim for extra storage ng mga gamit ni baby. 1 month lang nagamit ni baby ko po with minimal flaws lang sa bandang ilalim kasi dinuduyan ko po sya so di maiwasan magkadents ung ilalim. Need na rin kasi namin ng space kasi mas prioritize ko cabinet lagayan ng damit nya. Araneta Ave. Quezon City Area po.
[SOLD OUT]For Sale Nursing Essentials
Mga momsh baka po may interesado jn sa inyo. Benta ko na po itong isang set na ito for 800 2 Weeks ko lang po nagamit. Washed and Stored. Kunin nyo na po pls. Tap and swipe na lang po yung pic to see more photos. Inclusions: Real Bubee Manual Bpump w/ box Real Bubee Automatic Double Bpump w/ box Milk/Letdown Catcher N*pple Puller/Aspirator for inverted n*pple (2 pieces) 4 Pairs Washable Nursing Pads 3 Nursing Clothes (2 Blouse, 1 Dress) Araneta Ave. Quezon City Area po.
Hospital Bag
Ilang weeks kayo nung ni-ready nyo na yung Hospital Bag nyo?
Walang mabilhan ng Newborn Items
Mga momsh, pasuggest naman po ng mga shops o store sa metro manila na nagbebenta pa rin online ng mga newborn items. Receiving blanket, newborn socks, mittens. Wala po kasi mabilhan ngayon due to lockdown :(
Shorts vs Pajama
Hello mga momshies. Naku-curious na talaga ako dahil ang dami ko na naririnig na nagde-debate tungkol dito. Okay lang ba na mag-shorts pagkatapos manganak? Hindi yung maong or yung sexy shorts ah. Syempre yung disenteng shorts naman na hindi sobrang ikli, tama lang yung haba at malambot lang yung tela. Ako kasi nung sa panganay ko naka-pajama ako saka medyas. Pero sobrang hassle sakin dati pag naka-pajama. 4th degree kasi yung tahi ko nun kaya nahihirapan ako magsuot, maghubad tapos feeling ko kulob na kulob yung pakiramdam ko kasi malagkit na nga yung private area ko dahil sa dugo tapos kulob pa. Kaya sinubukan ko mag-shorts at sobrang komportable ako kasi nakakapresko sobra at kahit papano feeling ko may ventilation yung mga singit ko at private area ko hahaha. Saka naka diaper pants ako the first 5 days kasi ang lakas pa ng dugo ko nun at pag umiihi ako pinapadaluyan ko ng tubig yung private part ko para di masyado mahapdi umihi. Eh minsan hindi pa maiwasang mabasa sa cr. Basta sobrang nahirapan ako nun base sa personal experience ko. Saka sa paglaba, mas madali ko mapatuyo at madaling labhan yung mga shorts kesa sa pajama. Naka medyas na mahaba naman ako nun na hanggang tuhod saka nakajacket pero shorts talaga gusto ko kaso ang daming pumuna sakin non kasi papasukan daw ako ng lamig. Eh nakamedyas, jacket at tsinelas naman ako. Di ko na kaya pag pajama kasi nakukulob masyado yung pempem ko hehe ? Tingin nyo mga momsh? Shorts o pajama pa rin?
Thyroid Problems while Pregnant
Ask ko lang mga mamsh if may nakaranas na ba dito sa inyo na may thyroid problems habang nagbubuntis? Panong prenatal care ginawa nyo?Kakauwi ko lang ngayon galing sa Doctor. I'm currently 1 month pregnant and this is my second baby. After all my labs, kinonfirm ng Doctor ko na Enlarged yung thyroid ko and yes nasa genes namin yun dahil meron din nun yung mama ko. Ni-refer nya ako na sa Hospital na ako magpatingin and magpagawa pa ng mga labs para malaman if hypo or hyperthyroidism tong sakin and mas best daw kung sa Hospital ako manganak instead sa lying-in dahil kailangan daw bantayan yung pagbubuntis ko at panganganak. Considered as "high risk" yung pregnancy ko raw dahil maraming complications ang pwedeng mangyari while being pregnant and while delivering. Yung sa mama ko kasi, after nya na maipanganak yung kapatid kong bunso saka lang lumabas yung thyroid disease nya kaya lucky for her. Right now, Wala pa kong alam na Hospital dito sa Quezon City. Yung afford sana namin at yung maalaga, yung hindi talaga kami pababayaan ng baby ko. Can you recommend na rin mga momsh? Salamat.
Spotting at 5 weeks?
Hello mga mommies, I had a positive pregnancy test last week. My doctor gave an ultrasound request for confirmation and viability of my pregnancy and sa Monday pa yung balik ko. This is my second pregnancy na rin. Kagabi, nag spotting ako ng light brown, siguro mga 5 drops? Then kanina reddish orange naman pero mas konti. Medyo sumasakit din puson ko pero very mild lang naman so tolerable naman. Maybe kasi constipated din ako kaya ganun. Hindi ko kasi naranasan yung spotting sa first baby ko, Normal lang kaya to mamshies? Natatakot kasi ako lalo na at may enlarged thyroid ako according din sa thyroid ultrasound ko. ?
Depressed na ko..
2 weeks into postpartum na ko, Naiiyak ako everytime na kumikirot ung sugat ko. 4th degree daw kasi ung sugat ko sabi sakin ng OB ko. Hanggang pwet yung tahi ko. Bale yung cut sakin na maliit, nag extend pa hanggang pwet ko dahil pinilit ko i-ere palabas si baby ko. Nung first week checkup ko for postpartum, Muka akong ewan sa clinic. Pinapaupo ako ng nurse pero hindi ko kaya, samantalang ung iba dun na namumukaan ko na kasabayan ko ang komportable ng upo nila, nakadekwatro pa nga sila. Ako hindi makaupo hanggang ngayon, Kailangan ko pa ng tulong para bumangon. Para akong sinumpa. Naiiyak ako kasi hindi ko masyado mabuhat ung baby ko ng matagal, gusto ko sya alagaan pero hndi ko sya matutukan dahil sa iniinda ko. Hindi ko magawa ung hele at pagsayaw sayaw kasi parang bubuka tahi ko. Mag-3 weeks na kami ni baby sa monday. Naiiyak na lang ako minsan pag nakikita ko ung mama ko na buhat ung baby ko samantalang ako wala ako magawa. Gano katagal ba ko gagaling. Ni hindi rin ako makapaglakad ng malayo dahil masakit talaga. Masipag naman ako maglinis ng sugat ko pero ang bakit parang ang tagal talaga ng recovery ko. Naiiyak na naman ako.. First time mom po ako..
Is it time?
Ask ko lang if safe na ba manganak pagtuntong ng 37 weeks onwards? First time mom ako at gustong gusto ko na makita baby ko. Pero syempre Safety first muna bago ung sarili kong excitement. 36 weeks pregnant na ko and lakad na ko ng lakad. Di pa ko na-IE kaya di ko alam if nagsisimula na ko mag dilate. Salamat.
Steroids
Hi momshies, First Time mom here. 34 weeks pregnant as well. Napasugod kami sa ER nung nakaraan dahil sa contractions. Sabi ng mga doctor, 1cm dilated na raw ako. Pero di ko alam kung false labor ba un or what. Pero pinauwi rin kami that day. Di naman ako masyado nagalala nung nalaman ko un kasi may mga kakilala ako na umaabot sa due date kahit 3cm dilated earlier. May tinitake din akong gamot para sa hilab/preterm contractions. Kinabukasan, nagpacheckup agad ako sa ob ko sa lying in clinic. Pnapaturukan nya ko ng steroids para raw sa lungs ni baby. Tnanong ko nmn kung may ibang effect pa un kay baby, wala naman daw. Kaso natatakot pa rin ako. Saka okay naman na ko at wala naman na kong contractions. Natatakot tlaga ako para sa baby ko.