I miss my baby 😔

Kasama ko lang yung baby ko pero namimiss ko sya 😔 nandito kami ngayon sa bahay ni mil 2 weeks lang naman na bakasyon bago ko bumalik ng work pero di ko mabuhat si baby wag daw lagi buhatin kahit sawa na sya sa higa pwera nalang kung iyak na ng iyak. Di ko malambing si baby na kadalasang ginagawa ko sa bahay namin kahit kiss wag daw hays gusto ko na ulit masolo si baby ☹ Tapos mix feed si baby pag sakin sya nadede sa gabi nakahiga kami pero sidelying pag sa bote naman nakaupo ako pag pinapadede sya tapos burf na kaso dito pag sa bote pinapadede nakahiga flat na flat pa tapos di naman pinapadighay. Tapos gusto pa ni mil na kada iiyak si baby o gigising sa tulog sasalpakan agad ng dede kahit kakadede lang 😥 hays gusto ko na talaga umuwi pag sinabihan naman sasabihin hindi bakit dati ganun ganyan.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Musta na mommy? Nakauwi na ba kayo? Mas okay talaga pagnakabukod kase wala makikialam. Konting tiis lang mommy.. pakisamahan mo na lang muna si mil mo.