Advice please. I need your opinions.

Kapag po ba sinabi ng isang lalake(asawa nyo) na hindi na sya masaya sa marriage life nyo, hindi nya na kayo mahal, at parang ate nalang turing sainyo, totoo po ba yun? WALA NA BANG CHANCE NA MAGING OKAY KAMI? Ano po ba ang dapat ko ng gawin? Wala po kaming anak. Yung asawa ko lang ang meron ako. I am 8yrs older po sa asawa ko. At paulit ulit nya na sinabi sa akin na hindi na sya masaya sakin. Help me po

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Magkaiba yung hinde masaya sa hinde mahal. Pag sinabing hinde masaya, kulang ka cguro sa fun, adventure, lambing etc or baka lage kayo nagaaway this past few days kaya nasabi nya un. Maybe gusto nya na magbago ka sa usual ways mo na hinde na pala sya nasasayahan sa pinaggagagawa mo. Yung pagmamahal naman matagal mawala yan, minsan kala mo di mo na mahal ung tao pero sa totoo lang bored ka lang, naghahanap ka ng bagong thrill sa buhay, parang gusto mo ng something new. Baka masyado kang seryoso sa buhay, ang lalake adventurous yan. Minsan nabuburn out din ang love totoo naman un u just gotta keep holdin on and keep the fire burning

Magbasa pa

Sinabi din yan sakin ng ex ko before. 7yrs kami. Di ako nagdalawang isip na pakawalan sya. Sobrang mahal ko sya kaya di ko kayang makita syang di masaya. So ayun sa huli nagsisi sya. Di na ko nakipagbalikan kasi nagkaron na din sya ng iba. Saka nya lang narealize na mahal nya pa rin ako nung nakabuntis na sya. Ngayon kasal na ko. Nagpaparamdam pa rin sya at sinasabing mahal nya pa rin ako. Matagal ko nang natanggap na di kami ang tinadhana. Let him go. Kesa magsama kayo nang ikaw nalang yung nasisiyahan. Para din sayo yun. Masakit sa una. Talagang dadaan ka sa proseso. Pero atleast di ka naging selfish.

Magbasa pa

Mas ok pa na sinabi niya sayo keysa malaman mo nalang na niloloko kana niya..pero minsan ang mga lalaki kahit masaya sila sa kasalukuyan nilang relation at ayaw nilang mawala ka oh masira ang relation niyo, nakakagawa parin sila ng masakit sayo! Marami kasing nagkalat na mababa ang uri na ang mission sa buhay ay manakit at manira ng pamilya. Better e let go mo nalang siya moms mas sasaya ang buhay mo! Huwag mo pagpipilitan ang sarili mo sa isang taong hinde kana mahal dahil masasaktan kalang.

Magbasa pa

If I were you, hindi ko na sya pipilitin. Mas mahirap pag pinilit mo pa tapos sya hindi na masaya. Yung pinipilit mo na maging okay kayo pero sya napipilitan nalang. You deserve someone na mamahalin ka ng buong buo. Palayain mo kung gusto then magfocus ka sa sarili mo. Mahalin mo sarili mo. Gawin mo lahat ng gusto mo. Makakaya mo yan.

Magbasa pa
VIP Member

Pag harap harapan na sinabi sayo na hindi na siya masaya ibig sabihin nyan gusto na niya pakawalan mo siya. Have the courage to let him go. Mahirap man sayo gawin but be selfless. If ever ma realize niya na mali siya at babalik siya sayo nasa sayo na yun kung tatanggapin mo siya ulit sa buhay mo.

I guess you need to go to a Marriage Counselor, instead of here. Mas better na mag seek ng advice from the professionals sa mga ganiting bagay para tama ang nabibigay na advice talaga. 😊 Hoping you'll get through that. 😊

4y ago

Agree ako dito. Hindi let go agad ang solusyon.

Palayain mo na.mamsh, maawa ka sa sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo. Kung ayaw na nya mabuti ung sinabi nya kaysa.nalaman mp.nlang na my iba ng jowa yan asawa mo

VIP Member

Aba iwan mo! Magibang bansa ka.. May sabit na nga siya ganyan pa sinasabi sayo. Buti nga at pinagtityagaan mo at tinanggap mo pa. So ungreatful.

Magbasa pa

Baka nagkasaawaan lang kayo. Give him space muna. Pag di na bumalik edi un na un. Wala na talaga sya feelings.

Magbakasyon po kayo. 🤣