176 Replies
It's sooo sad na parang padalos dalos na lang tayo ngayon, takot magpakasal dahil baka di meant to be, he's/ she's not the one, baka mauwi rin sa annulment... playing safe para madali lang magpalit ng partner. Baka wala nang magpakasal dahil di kaya magcommit ng mga tao sa isa't isa ngayon, na kahit anong pagdaanan bibitaw na lang at makikipagbreak. Maghahanap ng someone better. Hindi sa lahat may happy ending kahit nauna ang baby sa kasal. 🙁
for me ang kasal ay decision ng mag partner and not necessarily because of the baby. dapat nagpapakasal kung talagang handa na kayong 2 na magsama habang buhay with all the ups and downs, flaws and happiness. the best naman talaga na married ang parents pero hindi di healthy kung at the end eh walang respect sa isat isa. may pros and cons, makikita naman po in the long run ano ang mas mangingibabaw.
in my own opinion, dpat po bago mabuntis or kht nagsasama plng dpat may plano na, dpat sa sure kna sa lhat ng consequences dpt nagkkaintindhan kyo ng partner mo, at my plans kyo, before mabuntis dpat ikinasal kana. kaso sa realidad ngaun pagbubuntis ang nauuna bago ang marriage. kapag nabuntis ka saka lng magpapakasal.
iba iba tayo ng opinion. para sakin hindi naman dapat pakasalan na agad kapag nabuntis. parang magiging dahilan na nabuntis kaya magpapakasal. siguro mali lang yung timing. mas maigi pa din na kapag magdedecide kayo na magpakasal kasi sigurado na kayo na gusto niyo makasama habambuhay ang isa't isa at mahal niyo ang isa't isa. opinion ko lang din na mas maigi na kasal muna kayo bago mag anak.🙂
For me, hindi dapat magpakasal kaagad .. Kung sabagay may kanya-kanya tayong opinyon at rason ko bakit, tsaka hindi ung magsasabi ka ng wag magpabuntis if di pa plano magpakasal, tsaka hindi kawawa ung bata kong marunong kang magdala sa sitwasyon at responsable ka sa pagiging ina, ex. kasal nga kayo pero un pala napilitan lang ung lalaki kc nabuntisan ka niya. Tsaka depende na yan sa couple .
for me. dapat nauna ang kasal before magkabuntisan. but sa reality, hindi na uso ung ganun, if the baby comes first, it would be the decision of the both party if they still want to get married, for the sake of their love and not because nagkabuntisan. mahirap din kasi ipilit na magsama habang buhay ang dalawang tao most especially if it is unexpected or worst eh unwanted pregnancy.
It's up to the ladies decision, dont get married if you got pregnant hindi yan ang rason na magpapatali ka habambuhay sa magiging mister mu. Evaluate your feelings if you love the man and he love you back a thousand times. Are you and your groom to be are ready financially, emotionally and physically sa married life. Kung nag aalanganin huwag kang magpasakal.
para saken depende po sa situation at sa nirespeto nating religion. kc may mga angkan po na gusto kasal muna bago baby, at may tao rin po na di naniniwala sa kasal muna. at may situation din po na di maiwasan mabuntis muna bago magpakasal dahil sa tukso ng pagmamahalan nila. importante po napapanagutan pag buntis na. 😇
depende pa rin po yun sa inyong dalawa ng partner niyo. samin kasi after two years pa sana namin balak magpakasal but since nalaman naming buntis ako ipinush ng asawa ko na magpakasal kami tutal dun din naman ang ending namin bakit pa raw namin patatagalin, bonus nalang na dumating si baby.
For me, No. Kaso ako, ikakasal ako kase nabuntis ako at muslim ako, catholic bf ko.. kahit ayaw ko muna dahil imbes na gastusin para sa panganganak at gamit para kay baby ang paghandaan, sa kasal pa mapupunta dahil sa kulturang kinagisnan ng mga magulang ko. I'm 32 weeks preggy.
No. As a 20 yrs old housewife, didn't finish college, don't. The baby is not a basis, your life is. But still, I'm greatful for my husband na hindi nya ko pinakasalan kasi nabuntis ako, he really wants to marry me and be with me for a lifetime. (Di kami naniniwala sa forever🤣)
Canimo