Sama ng loob

Kanina lang nangyari to. Di kasi ako pinanagutan ng ex ko, gusto kasi nya mangyari ipalaglag to non. Pero di ako pumayag. Ayaw nya kasi ipaalam sa side nya pero sa side namin alam na alam. Hanggang sa ayaw ako tantanan ng ex ko. Hanggang sa nakarating sa mama nya na nabuntis nya ko. Tapos kanina nakatanggap ako ng chat at pagbabanta sa kanya. Pinagmumura nya ko. Hanggang sa di ko kinaya nagulat lola ko at si mommy na bigla akong naiyak sa sama ng loob at hindi nko nakahinga hanggang sa naningas nako. Buti nalang di ako bumagsak nakakapit agad ako sa upuan. May ganon palang ex no. Gagawin ang lahat papasamain yung loob mo tapos hanggang sa di mo na makayanan. I'm 6 months pregnant. Naaawa ako sa dinadala ko pilit ko tinatatagan pero pilit ako winawasak ng demonyo kong ex. Ngayon ako pa babaliktarin nya palibhasa ipit na sya sa sitwasyon nya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Akala ko tapos na sya magsalita at manumbat sakin hindi pa pala :(( Nalulungkot ako mga momshie ?

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Anak ng tokwa..kung Ako yan ipapablotter ko yan.. lapit ka sa women's desk sa police station pkaita mo lahat message nung hinayupak n yan tignan mo babait yang pnyeta n yan!. pakatatag ka..wag ka panghihinaan.. laban sis. Hingan mo sustento tpos pabaranggay mo minura kna tpos kinahiya p anak mo tpos siya pa galet.. hahhaa aba matindi! d k pinanganak para murahin papayag k b n ganunin k lng? Or mgging anak mo? Hehe ibigay mo Yung gulo na d Niya inaasahan.. Yung Wala siyang kawala.. 😏

Magbasa pa

Pray lang sis. And wag mo na muna, isipin yung ex mo. Iwasan mo at iblock mo. Para makaiwas ka sa stress, ganyan din ako. Sobrang stress sa daddy ng bby ko at ayaw nya ipaalam sa side nya kasi hiwalay na din kami nun, ni walang suporta. Pero tinatagan ko lang, sya naman yung nawalan at hndi kami ni baby. Ngyon ngrereachout sya pero di ko na muna pinapansin hanggat di pa ko nanganganak kasi ayoko mastress. Kaya mo yan momsh!

Magbasa pa
VIP Member

Block mo siya sa lahat ng social media mo sis. 😊 Kung tinetext ka niya or tinatawagan magpalit ka ng mumber. Hindi bakakabuti sayo at sa baby mo. Hindi mo kaylangan ng ganyang klase ng lalake sis. Power hug sa inyo ni baby. Pakatatag ka lang. Basta always pray na maging ok kayo ni baby mo. More time ka rin sa family muna kc sila din talaga makakapag pagaan ng sitwasyon. 😊

Magbasa pa
VIP Member

We are in the same situation ganyan din yong tatay ng baby ko. Pero hindi ako nagpainda sa sa situation, nagpalakas ako hindi para sakin kundi para sa baby ko. I make the baby be my Strength as will I'm her strength too. Love you're baby more than your partner and yourself. That's the best healing until you give birth. It lessen the pain too.

Magbasa pa

Pakatatag ka lang po isipin mo nalng si baby kasi in the end or after all kayo at si baby lang magiging kakampi mo, hayaan mo yung walng kwenta mong ex better cguro na wag ka nalng muna mkipag communicate sa kaniya kung iniisstress ka lang nia.. Focus ka nlng sa baby at ibang bagay

VIP Member

Nako. Hwag mo na bigyan ng pansin yan. Focus ka sa baby mo. Maiistress ka lang kapag pinansin mo yang x mo, kawawa si baby. Magfocus ka sa mga positive na bagay na nasa paligid mo. Titigil din yan kapag wala ka ng pakialam sa kanya.

wag mo hhayaang mawasak ka niya. ipakita mo na mas strong ka ngyon dahil may anak ka na nangangailangan ng lakas mo . ano man gngawa sayo ng kupal mong ex ay soon mag bbounce back sknia. keep on praying evrything will be alright

Same situation sobrang hirap Lalo na Yung stress na pupunta sa tyan.. bigla nalang sya hndi ngparamdam parang Wala na din sya balak sa Amin pero ok Lang pilit ko tinatatagan loob ko.. actually 3 mos palang ako pregnant ngayon

VIP Member

Pakatatag ka lang, darating din ang time na hihingi sya ng tawad sayo. Matapos ng masasakit na salita na binitawan nya sayo. Ngayon hindi pa nya ramdam, pero one day. Magigising din sya sa mga pagkakamali nya.

Kakayanin para kay Baby. May mga tao talagang walang kwenta. Isipin mo nalang, ang tanging meron ka ay si Baby at sobra sobra na sya para maging ok kayo ni Baby. 😊 Di niyo kailangan ni Baby ng ganoong tao.