Sama ng loob

Kanina lang nangyari to. Di kasi ako pinanagutan ng ex ko, gusto kasi nya mangyari ipalaglag to non. Pero di ako pumayag. Ayaw nya kasi ipaalam sa side nya pero sa side namin alam na alam. Hanggang sa ayaw ako tantanan ng ex ko. Hanggang sa nakarating sa mama nya na nabuntis nya ko. Tapos kanina nakatanggap ako ng chat at pagbabanta sa kanya. Pinagmumura nya ko. Hanggang sa di ko kinaya nagulat lola ko at si mommy na bigla akong naiyak sa sama ng loob at hindi nko nakahinga hanggang sa naningas nako. Buti nalang di ako bumagsak nakakapit agad ako sa upuan. May ganon palang ex no. Gagawin ang lahat papasamain yung loob mo tapos hanggang sa di mo na makayanan. I'm 6 months pregnant. Naaawa ako sa dinadala ko pilit ko tinatatagan pero pilit ako winawasak ng demonyo kong ex. Ngayon ako pa babaliktarin nya palibhasa ipit na sya sa sitwasyon nya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Akala ko tapos na sya magsalita at manumbat sakin hindi pa pala :(( Nalulungkot ako mga momshie ?

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ipatulfo mo na sis.. Mga ganyang lalaki hindi naman pinagtutuunan ng momshie. Mabuti at hindi mo pinaabort si baby kasi first of all, walang kasalanan ang baby. Pakatatag kana lang momshie at pray lang lagi.

5y ago

Thankyou po. Kasi hindi ko na din po kinaya yung mga pinagsasabi at pagbabanta nya sakin sobra na po eh masyadong matapang palibhasa kinakampihan pa sya ng mama nya tapos ako pa sisisihin kesyo pinatulan ko daw anak nya.

VIP Member

Be strong po para na rin po kay baby. Hanggat maari iwasan mo na pong makipag communicate sa kanya para less stress kasi makakasama po kay baby. The next na manggulo po siya pabarangay mo po.

Keep mo lang mga evidence mo, sis. Pa-blotter ka at pa baranggay mo pagkatapos mo manganak. Patulong ka rin sa parents mo, they’ll guide you. Block mo rin sa social media.

Blck mo na muna sya sa lahat ng social media accounts mo mamsh. Iwasan mo sya lalo na at sya ang nagcacause ng stress mo. Masama yan for baby. Keep fighting lng po😊

VIP Member

Pray lang po. Mas lalo mong lakasan ang loob mo isipin mo nalang si baby.. Kahit mahirap pilitin mong bumangon para saiyo at sa magiging anak mo.

May karma sis. Be strong pls. Pakatatag ka nalang for your baby. Nasa huli ang pagsisisi para sa kanya. Keep the faith, momshie!

Focus to ur baby mamsh pag labas wag mo pangalan sa kanya pag nagka future yang c baby wag xang hahabol habol kupal nya😅🤣

pa pulis mo na kung binabantaan ka sis lumaban ka para sa baby mo saka para din yan sa ikakapanag ng loob mo.

TapFluencer

be strong and sa totoo lang if he doesnt want to be part of his child’s life then don’t. you’ll be ok

Pakatatag ka sis ..isipin mu yang baby mu at ikaw ..wag ka pastress