AGREE or DISAGREE: Insensitive nga ba?

Kamakailan ay nag-post si Jinkee Pacquiao ng photo sa kaniyang Instagram account ng kanilang mga luxury bikes mula Hermes at Louis Vuitton. She captioned the photo: "His and hers." (Tinatayang nasa humigit kumulang na P500,000 ang Hermes bike, samantalang wala namang naka-publish na presyo para sa LV bike.) Nang ma-repost ito ng Inquirer, nag-react ang actress na si Agot Isidro sa Twitter at sinabing tila insensitive ang pag-flaunt ng wealth sa panahon na marami ang walang trabaho. Insensitive nga ba ang pagpo-post ng mga luho sa panahon ngayon—AGREE OR DISAGREE? Comment your opinion below!

AGREE or DISAGREE: Insensitive nga ba?
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Disagree! first and foremost, karapatan nila o ng kahit sino satin ang magpost ng anything sa social media. second, pera naman nila ang pinambili ng mga mamahaling bagay na yon, hindi galing sa kaban ng bayan! third, pinaghirapan ni manny ang tinatamasa nilang yaman ngayon kaya hindi kalabisan kung gamitin nila yun sa kung anong luho ang gusto nila. At kung sinsabi ni Agot na maging sensitive sila sa panahon ngayong madami ang nawalan ng trabaho at naghihirap, sila Pacquiao at may naitulong na sa bayan, hindi lang nila pinopost. Isa si Pacquiao sa unang nagbigay ng tulong para sa test kits, ginamit niya connections nia para makahingi ng tulong. nagdonate sya ng mga masks, ppe's para sa mga frontliners. and if you think yun lang nagawa nila, think again Agot! kasi for sure madami pa sila natulungan, hindi lang binabandera sa tv at social media. eh ikaw, Ms. Agot, may paki ka pala, ano na ba naiambag mo sa panahon ngayon?

Magbasa pa