AGREE or DISAGREE: Insensitive nga ba?
Kamakailan ay nag-post si Jinkee Pacquiao ng photo sa kaniyang Instagram account ng kanilang mga luxury bikes mula Hermes at Louis Vuitton. She captioned the photo: "His and hers." (Tinatayang nasa humigit kumulang na P500,000 ang Hermes bike, samantalang wala namang naka-publish na presyo para sa LV bike.) Nang ma-repost ito ng Inquirer, nag-react ang actress na si Agot Isidro sa Twitter at sinabing tila insensitive ang pag-flaunt ng wealth sa panahon na marami ang walang trabaho. Insensitive nga ba ang pagpo-post ng mga luho sa panahon ngayon—AGREE OR DISAGREE? Comment your opinion below!
Wala naman masama sa post ni jinkee..hindi porket naghihirap ang iba di pwede mag post ng ganun...kung ganun na lng intindihin nia di habang buhay na sia di mag po post ng ganun..kasi habang buhay maraming mahihirap sa mundo...ang dami mo talaga sinasabi agot isidro kahit saan na lng....
Sometimes dahil sa kakulangan mo ng maraming bagay..maiinggit k sa mga pinagpala. Although NDI nila kasalanan na maging proud s kung ano ang meron cla. Pero maiisip mo, sana kung marunong LNG cla mag-share s iba ng blessings nila mas maraming tao sana ang masaya
Para sakin hindi kasi nun nag aaral pa ako nun college pinagaralan namin yung "PRIDE AND JOY" , dun ko naintindihan na walang taong mayabang nasa pananaw lang natin mga tao kung pano pagkakaintindi natin dun sa Bagay na pinagmamalaki niya.
Pacquiao had always been vocal of their humble beginnings. The lifestyle that they are enjoying now is a result of hard work and determination. Magpa bugbog ka din ng paulit-ulit at try mo din mag uwi ng karangalan para makabili ka din ng HERMES bike.
Disagree. Wala na tayo dun kong anu mang meron sila. At saka sariling account nya yun she can post anything in here account kasi kanya yun personal,problema na yun ng mga inggitera't inggitero. We all know naman na napakayaman nila.
Mga inggit lang nman ang naaapektuhan sa mga ganyan. Pwede naman iunfollow kung ayaw makita. Masyadong ginagawang big deal parang kasalanan pa nila na may pera sila e pinaghirapan naman nila at may charity naman sila na tinutulungan.
Nag-post lang flaunting na agad? Walang masama mag-post. Maiinis ka kung naiinggit ka yun lang yon. Andaming taong ngpo-post ng kung ano-ano karapatan nila yon at kaligayahan. Kung ayaw mo ng ganon SIMPLE LANG, i-block/unfollow mo.
Hindi sya insensitive kasi alam naman nating lahat na kahit nagpopost sya ng mga gamit nya eh hindi nila kinakalimutang tumulong muna sa mga tao. Inggit lang ang tawag sa mga taong nagsasabi na insensitive ang post nya.
Inggiterang agot . Kung Ang point Niya is Sana mag Bigay nang Tulong sila Pacquiao sa Mga nangangailangan naisipi Ni agot Yon Bat Hinde Niya gawin den . May Pera din Naman siya Ipinapahalata Niyang naiinggit siya
Eh ano naman kung ipost nia un eh sa meron cla... Kanya kanyang timeline naman yan eh.. Wag ka na lang makialam.. Mabuti nga't sa ganitong panahon eh may maganda kang makikita sa newsfeed mo hehehehe... Goodvibes lang😊