Biglang naging malambing...

AGREE OR DISAGREE: Totoo nga bang nagiging mas malambing si mister kapag may nagawang kasalanan o pagkakamali? Dala nga ba ito ng pagiging guilty niya? Ano ang opinyon mo dito?

Biglang naging malambing...
359 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ung asawa ko matinde siya ung masasabi kung walang kunsensiya! galing niya magtago! biruin mo halos 7 years niya akong niloloko dahil ganun siya kagaling magtago, d mi talaga makitaan na may kalokohang ginagawa! malambing ung akala mo mahal na mahal ka at ikaw lang, halos lahat binibigay sayo kaya ako naman si tanga naniwala naman na akala ko may mabait akong asawa na sobrang mahal ako un pala naglalaro na siya sa apoy! ngayon kahit anong hengi niya ng tawad ay diko siya kayang patawarin siguro kahit mapatawad ko pa ung mga ginawa niya ay diko kayang kalimotan! kaya huwag pakampanti sa sweet na asawa!

Magbasa pa
3y ago

ngayon pala may tinatagong multo diba momshie

Sakin nauuna Ang lambing kesa kasalanan, mga basic Lang nmn na kasalanan like nagpaalam syang umalis Kasi may importanteng gagawin although Alam ko naman Kung ano gagawin at pupunta Kasi kapatid nmn Ng bayaw ko at nakikita din nmn Ng ate ko kaso uminom Lang Ng d ko Alam , ok Lang nmn kaso syempre nag alala ako Kasi madaling araw na uuwi at motor Ang dala at parehas sila lasing ng mag hahatid sa kanya. Ung Isa nmn Kung kelan aalis na sya saka Lang mag papaalam agad agad tapos gabi n nmn .

Magbasa pa

Agree,ganyan hubby ko lalo n kpag nagbunganga n ako,,or d kaya hihirit yan,like magpabili.at mag mL😅 minsan ko n rin nahuli n may something sya pero nagbago namn din s ngaun😅pero ndi naman tau takot maiwan kong ganyang klase lang din mga lalaki n yan,,,ang babaeng marunong maghanap buhay ay ndi takot mawalan ng asawa,yan ang lagi ko iniisip.lalo n s panahon ngaun,,,,need natin magpakatatag.sa umpisa lang namn masakit.

Magbasa pa
4y ago

tama sis 😊

VIP Member

disagree kase Di siya touchy at Di Rin gumagawa Ng kasalanan. kase bawat gawen namin lage namin pinaguusapan para Kung Mali man kami desisyon 2 kami nag bigay Ng opinyon. 17 yrs agwat namin 23 ako at 40 siya kaya magkaiba Ang gusto namin dhil sa age pero dhil sa age natuto kami maging open sa isat-isa para mag kaintindihan. madalas siya nag sorry kahit ako may kasalanan tapos mag explain para same kami Wala samaan Ng loob

Magbasa pa

agree po ako malambing nmn asawa ko but iba kc ung lambing nia nung ngloko sia,,but salamat at ntuklasan ko ng maaga naagapan ko n mawasak ung binuo nmen n pamilya,,mala detective conan kc ako pag nghinala ehh,,pero nung una pilit n akong bumibitaw pero pinakita nmn ng asawa ko n aayusin nia lhat ng pagkakamali nia,,11yrs n kme ng sasama once nia lng ngawa sken dhil sa maling barkada,,

Magbasa pa

Hmm, sa husband ko hindi naman kasi malambing naman talaga siya saakin. 🙂 Kahit simple gestures lang like kahapon nauna siya naligo tapos ako sumunod, habang naliligo ako biglang kumakatok sa pinto, akala ko dahil sa baby namin. Yun pala aabutan niya lang ako ng sabon na pang ligo kasi ubos na pala yung nasa CR. ☺️ HAHA. Ang babaw lang pero na-aappreciate ko yun.

Magbasa pa

I disagree with this, si hubby kasi, bigla nalang maglalambing iyon, hindi kasi siya showy ever since, pero bigla nalang ako nun i-susurprise sa work ko, may dalang food or flower, sometimes, wala namang special occasion, yayain ako makipagdate or whatso. Depende sa tao rin siguro. Hehe.

Hindi.. hubby ko bihira maglambing di kasi talaga kami ganun ka sweet sa isat isa.. kapag naglambing siya, nilulubos lubos ko kasi mas madalas hindi.. kapag masaya siya or kapag may good news sa work niya, madalas siya maging sweet sakin. Pag may kasalanan siya, mas mailap siya haha

VIP Member

Partner ko di naman ganun. Pang aasar yung way nya mag lambing tapos pag matutulog pinapahiga ako sa kamay nya. walang ibang intimacy na ngyayari. hihirit lng pag gusto mag make love. Masyadong busy sa trabaho at kita ko naman lahat galaw nya and kilala ko lahat katrabaho nya kaya walang lusot

Disagree. Simula pa kasi nung mgsyota kami malambing na asawa ko mas lalo na nga ngayong 7yrs na kami together prang bata kong mglambing, sabagay mas bata namn sya skin ng dalawang taon 😂 pg my kasalanan sya ngsosori at nag eexplain 🤣