AGREE OR DISAGREE: Pananamit ng sexy...

In your opinion, may kinalaman nga ba ang pananamit ng isang babae para ma-rape o mabastos siya?

AGREE OR DISAGREE: Pananamit ng sexy...
148 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I chose to be anonymous na lang, kesa makita nyo real name ko. Actually very active ako dito sa ating mga question and answer, polls, comments . Kaya makikilala nyo agad ako . Ayaw ko kasi ng kinakaawaan ako ng tao, ayaw ko umagaw ng sympathy and empathy sa tao . Hindi ako naniniwala na may kinalaman ang pananamit ng babae para ma rape sya, actually at age of 7 ko, na rape ako ng sarili kong tiyo hanggang sa nag 12 years old. Hindi alam ng parents ko since nag start akong molestyahin ng tiyo ko kakamatay lang ng tatay ko. Ang nanay ko naman busy sa trabaho . Tumigil naman ang tiyo ko nung nagsimula na akong nagkaregla . Hanggang sa umabot ako ng 18 years old, ginalaw ako ng kapatid ng ex boyfriend ko. Sa bahay pa mismo ng boyfriend ko . That time kasi may birthdayan sa kanila . Lasing na lasing ang boyfriend ko at ako to the point na pareho na kaming tulog. Bigla ako angising kasi nagsisisgawan na sa labas . Nakita ko na lang nag bubugbugan na yung magkapatid . Sinabihan ako ng mama ng ex boyfriend ko na kunwari pa daw ako ,gustong gusto ko naman daw . I.dont have any idea na ganon pala ginawa nya. Binuhat pala nya ako paalis ng higaan namin ng ex boyfriend ko . Habang ginagawa nya kababuyan nya, nahuli sya ng kapatid nya . Just imagine how miserable I am nung mga panahon na yan. Dont worry , nabigyan na naman ng hustisya ang kababuyan nila sa akin. Gumanti din si karma . Alam ng kapatid kong panganay ang nangyari sa akin pero hindi ng pamilya ko. I tried to tell once pero tinakot ako ng tiyo ko . Kaya mas pinili na lang namin ng kapatid ko na itago. Kesa maoahamak kaming magkakapatid. Nasa abroad kasi nanay namin. Sa ngayon masaya akp sa piling ng aking asawa na tinanggap ako ng buong buo kahit na ganto nangyari sa akin. Until now, hindi padin alam ng parents ko maliban sa kapatid kong babae . Ibinaon na lang namin sa limot kasi hindi man nakaganti ang batas sa mga hayop na yon, karma naman ang tumitira sa kanila ngayon .

Magbasa pa
4y ago

two thumbs up para sau mamsh, napakatatag mo po. kung sa iba sguro baka naisipan na nila magsuicide lalo na at that young age, nakakalungkot nalang talaga ang panahon natin ngayon💔

Regardless of race, age, sex and appearance possible maging rape victims. Culprits can be friends , relatives, kabarangay, kapitbahay, kakilala lang, kaibigan ng pamilya, kaibigan ng kaibigan katrabaho and strangers. But usually ang culprits na under the influence of drugs and/or alcohol ang mga biktima nila ay yung mga bata, matanda, lalake or worst hayop. Pero may mga babae naman na pang walwal ang mga suot, kita ang kaluluwa tapos makikipag inuman sa all boys ganun edi ang kadalasan iisipin ng boys na eto babaeng to game na game pwede sa eutan ganon dun na papasok ung rape na idrudrug ka na para mawalan ng malay or papainumin ng painumin para malasing ng bongga. Wearing provocative outfits is isa lamang sa mga maraming factors para marape ang isang tao. Sabhin na nating ur wearing a simple blouse and jeans pero halata ang curves mo pagnanasaan ka parin. Siguro kahit anong isuot natin okay lng basta kaya nating ipagtaggol ang sarili natin. Hindi naman din kasi natin kayang baguhin ang pag iisip ng isang tao e, globally maraming rape cases other countries have death penalties still they have rape cases. Dito sa ph kahit may death penalty pa siguro may mga mararape parin, its like the drug issue dito satin kahit kabilaan ang tokhang noon marami paring transaksyon. Kasi mga matitinong tao lang tlga ang makakaisip ng mga posible consequences ng negative doings nila. In college kahit ang init init ang kapal ng stockings ko pag gala uniform kami, knee length ang skirt hndi fitted pati ang blouse pero pag uwian may madaanan kang nag iinuman sa kanto mababastos ka parin. Bastos are everywhere. Manyakis are everywhere. No place is safe, ever since no place is safe.

Magbasa pa
VIP Member

For me. Both sides has a point. DAPAT naman talaga hindi nababastos ang mga babae kahit na ano pa ang damit nila. No one deserves that. Ang pinsan ko nakatira sya sa Japan ngayon. Grabe daw ang mga babae doon kaiikli ng skirt tapos nagbibike pa. Kita na ang kuyukot. But what amazed him was wlang pumapansin sa kanila. As in wla. Wlang tumitingin na mga lalaki sa kanila na kapwa nila hapon. Kapag tumingin ka sa news, wlang balita ng rape. BUT for now, di talaga pwede muna ipilit ang gusto ng mga kababaihan na kapag nanamit sila ng sexy or kita din ang kuyukot ay instant wla na mambabastos sa kanila. Sad to say, sa aspect na to, napakapangit ng kultura ng pilipino. What to do now? For us mommies, specially sa mga nandito sa app na makakabasa din nito, let's teach our sons how to be a gentleman and how to have respect for women. May mali sa kultura natin. Tayong matatanda din ang magbabago nito for the next generation. But this is just one step. Also sana ang parusa sa rapists, putulin ang pride nila (private part). Higpitan din ang batas as aspect na ito. Napakaluwag na kulong lang kahaharapin ng mga demonyong to.

Magbasa pa

For me it depends sang stage, Kung sa pag turn on malaking bagay Yung nakikita nila kaya agree ako n may effect Yung pananamit para bastusin k nila dahil nga visual creatures Ang mga lalaki, They imagine things kaya nga sila nanunuod madalas Ng porn or madalas tumingin sa sexy.. pero Yung rape ibang usapan n Po Yun Katulad Ng unang nag Sabi. Pwedeng Hindi mismo ung girl n pinag papantasyahan nila ung galawin nila, hahanap sila Ng pagbabalingan Ng lust na tingin nila mahina at matatake advantage nila regardless n sa suot mo, pwedeng dun sa kawawang victim I a-act out nung rapist Yung lust n natrigger Ng ibang babae. Naniniwala pa rin ako n Under normal circumstances Hindi ka rarapin ng isang lalaki regardless sa suot mo.. unless nasa influence ng illegal substance, ska problema sa pag iisip. Wla nmn normal n Tao n gusto manakit Ng kapwa.

Magbasa pa

Well, base sa survey that conducted from those who committed rape sinasabe nila na mas target daw talaga nila yung mga babaeng revealing ang suot na pananamit kasi mas mabilis daw yun hubarin. mostly para sa mga rapist mas naaakit daw sila sa sexy na titrigger yung kamanyakan nila pag masyadong nag papakita ng skin ang babae. kaya for me kung babae ka know your limits wag nating isaalang alang ang kaligtasan or safety natin sa mga taong nakapaligid satin just because pinaglalaban natin na wala sa pananamit ng babae kaya tayo nababastos, hindi natin kilala ang mga taong nakakasalamuha natin nakadepende parin sa sarili ang safety natin girls. self awareness and discipline can prevent us from being rape victim. opinion ko lang naman yan

Magbasa pa
5y ago

Agree to this.. Kung lalabas ka na utong mo n lng natatakpan, then short n Kita n pwet at Pwede nang panty well you're giving them the message you're up for fun.. that's not from me. Kundi dun sa mga kakilala ko n mga lalaki. Though d sila rapist pero base sa mga babaeng dinadala nila sa inuman n wla n nagagawa kundi bumigay n lng sa kalasingan. I think it makes sense. . Nkakadagdag sa kamanyakan nila ung damit n sinusuot..

Disagree. When i was only 5 or 6 (i don't remember my exact age at that time), napagsamantalahan ako ng tito ko, nung time na yon wala pa ko kaalam alam pero naalala ko dinadala nya ko sa kwarto tas pagtapos bibigyan lang ako ng kendi. Hanggang ngayon ako lang nakakaalam non. Sobrang sakit sa part ko lalo pag twing naalala ko yon, ako lang nakakaalam until now di ko masabi sa magulang ko kasi natatakot ako na magkasira sira pamilya ko. Duwag ako oo. Pero pinangungunahan ako ng takot lalo maskulado yung tito ko. Iniisip ko nalang hayaan na matagal na malaki na naman ako at malayo sa kanila. Ngayon, may sariling anak na ko babae kaya sisiguraduhin kong di mararanasan ng anak ko ang karahasan na naranasan ko noon.

Magbasa pa
5y ago

I'm so sorry to hear about what happened to you. I don't think you are a coward. You were a child. You are blameless. Tito mo ang rapist. He is the adult. He shouldn't have done that to a child. The fact that you choose to live and survive despite what happened to you is admirable. You are stronger than you think.

VIP Member

NO! Wala sa damit and wala sa ugali and reason para ma rape or mabastos. Nasa ugali at utak ng rapist yan. So kung sexy, so kung maharot that gives the rapist the right to do the crime? Kasi hinde ka respeto2x yung actions and clothes nya? Hinde ba dapat yung rapist e blame kasi hinde sya marunong rumespeto, i don't know lang ha iba iba kasi background natin iba2x din ung pagpapalaki sa atin, pero what my parents taught me was kahit sino pa yan kahit ano pa sya respect that person as a human being kahit half ahas or half unggoy pa yan respect that person pati nga aso ni rerespeto, kahit kaaway respetuhin mo because in order for other people to respect you, you must respect other people too.

Magbasa pa
VIP Member

For me, I would say na if a lady wears something sexy.. It would still be a factor para magisip ng malicious ang lalake regardless if matino or manyak talaga. Again, lalake sila. It's in their nature. BUT, how they will react SINCERELY on how you look, dun mo madedefine on how a man will treats you. Meron na icocorrect ka para hindi ka mabastos ng ibang lalake (coz we all know na mas kilala ng lalake ang mga kalahi nila db) meron na irerespect ka on how you dress up yourself, and syempre meron din na tahimik pero nasa loob ng pagiisip nila na mejo pinagnanasaan ka na. So for me, it is STILL a factor. Pero mas malaki ung FACTOR na nasa pagiisip pa din ng lalake yun.

Magbasa pa
VIP Member

Disagree. For me, it doesn’t matter kung anong klase nang damit ang suot mo, ang kalibugan walang pinipili yan, maski nga matatanda, menor de edad, o baby pa yan, nababalita nang rape victim. Nasa lalaki yan mismo, kung matino ang pag-iisip niya pero kung sadyang malibog, walang kinikilingan niyan. For girls, konting respeto nalang sa sarili pagdating sa pananamit, kung ayaw niyo mabastos ng kalalakihan. Well infact nakaka attract nga naman kasi nang paningin kung masyadong revealing ang suot mo. Sad to say na pwede ding maging factor sa mga lalake na matrigger sila to rape someone else.

Magbasa pa

SA totoo lng SA panahon ngaun dahil SA mga kabataan na maaga sila nakakapanood ng mga maseselan dahil na Rin SA mga palabas SA TV na napapanood nila.. Absolutely yes nababastos na Ang mga kababaihan SA pananamit nila.. dahil Kung ikukumpara mo SA pananamit ng mga 90's na kabataan hnd nmn ganun dahil nahihiya pa Ito mag suot ng maiikli. Ngaun Kasi na adopt na ng kabataan Ang kasuotan ng mga Korea or American na minsan pa nga hnd na nag bbra.. syle un ng mga Americans kasi sanay sila na ganun..

Magbasa pa