Byenan problem ako lang ba ganito?

kala ko dati okay tumira sa byenan hindi pala, maayos naman ugali nila mabait pero ewan! yung parang ginawa ka nilang katulong yung tipong kakalinis mo lang makalat nanaman, wala naman sanang bata puro namana matatanda. Yung kakahugas mo lang meron nanaman ewan nakakainis na. Yung naglilinis ka tapos sasabihin ng byenan mo makalat tapos sabay tawa hays. Alam na nga nilang linis ka ng linis kalat naman sila ng kalat! Nakakainis pero pag andito yung asawa ko baitbaitan para bigyan ng pera. ?hays! Yung anak manlang nila di nila mapagsabihan ni maghugas di magawa pati pinagkainan iiwan lang sa lamesan.

104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din sitwasyon ko ngayon nakakainis lang kasi halos ako na lahat lahat gumagawa pero may nasasabi padin. alam ml yung isang beses kalang di makapag hugas sasabihin hindi na kumikilos. kahit malapit nako manganak ako at ako padin naglilinis at naguuhugas dito. yung kapatid naman ng asawa ko na babae jusko walang ginawa sa bahay kundi mag cellphone lang masyado kasing hinayaang maging tamad mga anak kaya di makakilos ng kusa eh. napapaiyak nalang ako minsan sa sobrang inis kapag kakain na kami tapos tambak yung hugasan at wala na kming magamit na plato ako pa maghuhugas bago kami kumain. tapos kahit man lang sana sabado o linggo pahinga ko sa paghuhugas at utusan nya yung anak nyang babae na maghugas wala tambak pdin sakin padin. kahit malapit nako manganak ako pa nga din maglalaba ng mga damit namin. grabeng hirap makisama pero gustuhin ko mang bumukod hindi pa namin kaya. atsaka ayaw din ng MIL ko na bumukod daw kami gusto nya sama sama pero ako naman naiinis kasi nga ganto yung sitwasyon namin. ang hirap hirap😭😭😭😭

Magbasa pa