Byenan problem ako lang ba ganito?

kala ko dati okay tumira sa byenan hindi pala, maayos naman ugali nila mabait pero ewan! yung parang ginawa ka nilang katulong yung tipong kakalinis mo lang makalat nanaman, wala naman sanang bata puro namana matatanda. Yung kakahugas mo lang meron nanaman ewan nakakainis na. Yung naglilinis ka tapos sasabihin ng byenan mo makalat tapos sabay tawa hays. Alam na nga nilang linis ka ng linis kalat naman sila ng kalat! Nakakainis pero pag andito yung asawa ko baitbaitan para bigyan ng pera. ?hays! Yung anak manlang nila di nila mapagsabihan ni maghugas di magawa pati pinagkainan iiwan lang sa lamesan.

104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ok naman byenan ko kapag alam nyang pagod at puyat ako pinagpapahinga nya ko minsan sila na nag aalaga sa baby ko. Kapag wala naman kaming pera at sila meron kahit hindi na kami humingi bibigyan kami. Sa gawaing bahay alam naman nya kapag kaya ko malinis na malinis ang bahay pinapagalitan nya rin mga anak nya na mag linis mahiya naman daw sakin ako may anak na maliit ako pa naglilinis sila walang ginagawa ayaw gumalaw. Sa pagkain kpag bibili sila sa labas palagi akong meron alam kasi nila hindi naman ako maselan sa pagkain hahaha alam din nila kung ano lang hindi ko kinakain. Pero kapag usapan na saming mag asawa about future nangengealam sila kaya minsan nagagalit ako pero hinahayaan ko nalang atleast kami parin nasusunod mag asawa

Magbasa pa