Byenan problem ako lang ba ganito?

kala ko dati okay tumira sa byenan hindi pala, maayos naman ugali nila mabait pero ewan! yung parang ginawa ka nilang katulong yung tipong kakalinis mo lang makalat nanaman, wala naman sanang bata puro namana matatanda. Yung kakahugas mo lang meron nanaman ewan nakakainis na. Yung naglilinis ka tapos sasabihin ng byenan mo makalat tapos sabay tawa hays. Alam na nga nilang linis ka ng linis kalat naman sila ng kalat! Nakakainis pero pag andito yung asawa ko baitbaitan para bigyan ng pera. ?hays! Yung anak manlang nila di nila mapagsabihan ni maghugas di magawa pati pinagkainan iiwan lang sa lamesan.

104 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

haha i feel u po. Ako nga, buntis pa ko sa lagay na to a.. yung pinagkainan ng chitchirya ng hipag ko, ubos man o hnd kung saan ibinaba, dun nlng. Kht langgamin n dun wala clang paki.. 23y/o na yun babae pa. Yung bunso 19..pag wala kami, papasok sa kwarto nmin kakain ng ice candy, yung plastic iiwan pa mismo sa kama o sa sahig syempre lalanggamin yun. Ilang beses na ganun.Sabi q sa asawa q, pagsabihan nya kami nmn ang lalanggamin hnd sya. MIL ko naman ewan ko ba panu gnagawang paghugas kc halos lht ng spoon may natitirang kanin, madulas pa.. alam mo yun d nalinisang mabuti. Pag maglilinis aq, pagbabawalan. D ko matiis tumira sa ganung bahay. Nasanay ako sa bahay nmin na linis agad pgkatapos gamitin at lilinisang mabuti. Mas matino pa maghugas bunso kong kapatid na 10y/o lalake mas may alam pa sa gawaing bahay kesa sa hipag ko na walang gnawa kundi TULOG, KAIN, LIGO. araw araw ganun lahat ng gamit ipapaabot pa sa MIL ko.. grabe sobrang tamad kaya ayoko nagtatagal dun nai stress ako

Magbasa pa
5y ago

Lahat ng kapatid ng partner ko ganyan na ganyan din sis. Kung san maghuhubad dun lang din iiwan. Pati platong pinag kainan di malagay sa hugasan. Nung napuno na ko, pinagsabihan ko nang wala sila katulong na magliligpit ng dumi nila. Yung mga bag nila na kung saan2x nakalagay as in nakakalat sa sahig, sinabihan ko rin sila na pag yun hinagis ng anak ko sa labas, walang sisihan kasi anak ko pag kalat tinatapon sa labas. 😅 Yung MIL kong hilaw, di kasi maka saway sa mga anak. Parang gaga lang. High school na mga anak walang alam gawin sa bahay kasi sinasalo nya lahat.