Nakakasakit Ng Loob Si OB

Kakapa check up ko lang po kanina. Ang sakit lang sa loob nung sinabihan ako ng OB ko ng "Tanga ka talaga". Nung nakaraan kaseng check up ko binawal niya ko sa baboy dahil mamantika. Tapos kanina tinanong niya ko kung kumakain na ko ng gulay sabe ko opo tsaka po minsan sinasahog lang ung baboy. Tapos bigla niya sinabe "Tanga ka talaga" wala ako sinabeng wag ka kakain ng baboy. E yun yung sabe niya nung last check up ko. Haaays tapos sabe niya "higa kana tingnan natin kung buhay pa yang baby mo". Natatakot ako pag sinasabe niya yan. Nung 1st time ko naman magpacheck up sa kanya sabe niya ang dumi dumi ko daw bakit daw nagpa buntis ako ng hindi pa ko kasal. (kesa naman ipalaglag ko tsaka 3 yrs na din kame nagsasama ng partner ko. Balak na namin magpakasal next year e nauna na nga lang si baby hehe) Wag na daw ako mag engrandeng kasal dahil hindi na ko virgin. Hindi ko man lang maipag tanggol sarili ko. Kung husgahan niya ko parang kilalang kilala niya pagkatao ko. Ang dami niya pa sinasabe na nakakasama ng loob tapos ang sasabihin niya no offense meant. Umiiyak na lang ako sa bahay dahil sa sama ng loob.

976 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mamsh, parang ang squammy ng pananalita ng OB mo. Napaka-unprofessional. Sana sundin mo mga suggestion namin na magpalit ka na ng OB dahil mahirap na magsisi bandang huli. Mamaya niyan, pag nag-lelabor ka na, kung anu-ano pa sabihin sa'yo na kesyo ginusto mo yan, blah blah blah. Doble-doble stress mo niyan. May mga ganyan pa naman akong nabasa dati na bad experience ng mga pasyente sa OB nila. Hanap ka na ng bagong OB mamsh. Please lang.

Magbasa pa
VIP Member

You should've told her to respect you kahit first time mom ka lang. And dapat alam nya yun as an OB. It's her job to take care of you, kung ganun lang din pala ang ugali nya sa mga patients nya dapat d na sya nag OB. Paki sabi sa kanya yan kung d ka pa rin lilipat ng OB. But I hardly suggest na palitan mo na OB mo sis. D yan healthy for you kung everytime na mag coconsult or check up mo sa kanya hurtful words sasabihin nya sayo.

Magbasa pa

My ganyan palang OB ako nga 6months ko na nalaman na buntis ako kasi no sign tas ang sign lang e d ako nadatnan e akala ko delay lang ako kasi d talaga regular mins ko dami sasabi na sakin na lagot ako sa OB papagalitan ako first check up ko kinabahan ako kunti peru nawala yung kaba ko nong nakausap ko na OB ko ang bait nya at nauunawaan nya sitwasyon ko napakafriendly nya sa lahat saka maalaga sya sa mga pasyente nya.

Magbasa pa

Saken nmn sa center tuwing nag papacheck up ako mararamdaman mo tlaga ung ang baba ng tingin nila sayo. Honestly 18 yrs. Old lng ako siguro yan ung reason nya kaya ganun ung treat nya saken pero ang hirap parin e lalo nat first baby ko oo kapos kame ngayon kaya nga sa health center lng ako nagpapa check up pero ganun ba dapat ung marereceive mong treat halos di ka intertenain aga aga mong pumila papagalitan kapa sumusunod ka naman

Magbasa pa

Magpalit ka nlang ng ob. Baka matandang dalaga yang ob mo kaya insecure xau 😬 Alam naman nila dapat na ang buntis sensitive kaya dapat careful din sila sa sinasabi nila sa mga client nila. Aq din dq nagustuhan ung sinabi nung una qng ob kaya nagpalit aq tinanong aq ng ob qng bago bkit aq nagpalit sinabi q sknya masungit kaya ngaun ung ob q mabait makipag usap saken 😊😊 pero i think she's good to all her client

Magbasa pa

ang gawin mo, sa next na punta mo, sagut sagutin mo sya.. awayin mo.. ilabas mo sama ng loob mo.. mas maganda maeskandalo sya.. letse sya .. di ba nya naiisip ang mga buntis npka emotional OB ba tlga oh OBOB.. nkakabwisit, buti di pa ako nka encounter ng ganyan .. dhil di ko tlga mapipigilan sarili ko.. pag katapos wag ka na bumalik sakanya.. magpalit ka ng ng OB .. di sya helpful,nkaka dagdag stress lang sya..

Magbasa pa

Palit kana lang po ng OB, wag mo po hayaan na mastress ka sakanya. Sama po ng ugali niyang OB mo hindi niya po iniisip na maisstress ka sa mga pinagsasbe niya sayo. Ako po bata pa buntis na, hindi naman po ako sinabihan ng ganyan ng OB ko. Kahit na ginagalitan nila ako dahil pasaway ako never sila nagsalita ng ganyan saken. Palit kana po ng OB mummy, baka mapahamak pa kayo ng baby mo jan sa pisteng OB mo po.

Magbasa pa

Lipat ka na po ng OB mo sis. Hindi makakatulong sa'yo na mag-isip ng ganyan gawa ng mga sinasabi niya sa'yo. Kaya ka nga nagpapacheck-up para mapanatag loob mo eh, kaso ganyan naman treat niya sa'yo. Walang siyang karapatan sabihan ka ng ganyan, masyadong pasmado ang bunganga. Marami pong mababait na OB sis, yung tipong parang kaibigan mo siya kaya hindi ka maiilang magkwento about sa pregnancy mo 😊

Magbasa pa

Lipat kana sa ibang ob momsh kung ganun trato nya sa pasyente nya. Dapat nga positive vaibes sinasabi nila sa pasyente para naman maging calmado tayo. Saka yung pagsalitaan ka ng ganun lalo na yung tignan naten kung buhay paba baby mo. Naku jusko ano gusto nya patay lahat ng baby na magpa check up sa kanya? Nung una palang kung ganun na sya, dapat lumipat kana agad. Nakaka stress ang ganyan.

Magbasa pa

grabe. sprayan mo ng alcohol. sakin naman. parang minsan usto ko na lang magsinungaling sa OB. nakwento kong sinipon ako, pero gumaling na. sobrang init kasi nun kaya panay ang bahing ko, e ganun talaga nangyayari sakin sobrang tutuk pa ng fan. covid daw agad. tsktsk. di ko alam kung kanino ba ako maiinis sa pandemya o sa sa konting sipon covid agad. 1 year na rin kasi akong di nagkakasakit

Magbasa pa