need advice

Kailangan ko lang po ng kausap. Bagong panganak po ako, 5 days old si baby. Dito kami nakatira sa house ng parents ko and dumadalaw si hubby habang ngppagaling ako, pag weekends andito siya. Ngayon, decide kami ni hubby na iuwi si baby sa bahay namin for one wk dun sa nnirerentahan namin dhil nalulungkot kami pareho. Andun kasi work nya and mahirap bumyahe ng madalas dahil nga malayo siya. Sinabi ko sa mom ko na uuwi kami ni baby sa house ni hubby and since then di nya kami kinikibo ni baby, di na nya kinakalong at pinapansin. May mali ba sa desisyon ko? Sobrang miss ko na ang asawa ko pati si baby di mpalagay pag umaalis na si hubby. Si mommy kasi gumastos sa panganganak ko since kapos kami ni hubby. Nalulungkot tuloy ako lalo dahil nagalit pa si mommy sa naging desisyon namin eh kada isang linggo lang naman ang uwi namin dun ni baby, at pag sa susunod dito na naman kami sa bahay ng parents ko uuwi. Salitan kumbaga. Ano po ba ggawin ko? Masama po ba akong anak? Salamat po.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi ka masamang anak. Hindi ka selfish. Kung genuine na ginusto ng mama mo na tulungan kayo nung kinapos kayo sa pambayad, dapat hindi niya ginagamit yun na pampa-guilty sa inyo. Dapat natutuwa siya na safe at healthy kayo ni baby. Kung ako sa iyo, I would try to make her understand that you love her and that the baby needs her love also. And try your best to pay her back kahit hulugan. Money talaga can ruin relationships

Magbasa pa
6y ago

Nagkausap na po kami. Sinabi nya na nabigla lang din siya sa nasabi nya kasi ang short ng time ng maabishuan namin siya. Di siya emotionally prepared siguro na malayo kay baby at this age. Nandon pa rin siguro yung urge nya to help us dahil very strong ang personality ni mommy. Salamat po sa pagsagot!