need advice
Kailangan ko lang po ng kausap. Bagong panganak po ako, 5 days old si baby. Dito kami nakatira sa house ng parents ko and dumadalaw si hubby habang ngppagaling ako, pag weekends andito siya. Ngayon, decide kami ni hubby na iuwi si baby sa bahay namin for one wk dun sa nnirerentahan namin dhil nalulungkot kami pareho. Andun kasi work nya and mahirap bumyahe ng madalas dahil nga malayo siya. Sinabi ko sa mom ko na uuwi kami ni baby sa house ni hubby and since then di nya kami kinikibo ni baby, di na nya kinakalong at pinapansin. May mali ba sa desisyon ko? Sobrang miss ko na ang asawa ko pati si baby di mpalagay pag umaalis na si hubby. Si mommy kasi gumastos sa panganganak ko since kapos kami ni hubby. Nalulungkot tuloy ako lalo dahil nagalit pa si mommy sa naging desisyon namin eh kada isang linggo lang naman ang uwi namin dun ni baby, at pag sa susunod dito na naman kami sa bahay ng parents ko uuwi. Salitan kumbaga. Ano po ba ggawin ko? Masama po ba akong anak? Salamat po.