Ubo at sipon ni baby
Jusko mga mamii ang hirap talaga pag may sakit ang baby naten lalo na at ftm pa. May ubo at sipon baby ko since feb 27 nagpacheck up kame by feb 28 niresetahan si baby ng amox, disudrin, salinse, pangsipsip ng sipon at nebulizer. Nakaka2days na kame sa gamutan at ang ubo ni baby ngayon ay may plema na compare nung una na tuyot talaga to the point na naduduwal sya sa pag ubo nya. Ang question ko po is good sign na po na naririnig n plema nya at minsan naisusuka nya at minsan nasasama sa poop? By the way 6 months na ang baby ko. First time nya lang magkaubo at 2nd time nya naman magkasipon May tips po ba kayo para mas mapabilis ang recovery ng bby nyo pag may sakit? At may tips po ba kayo para masuction yung sipon ni baby ng hindi sya nagwawala. Please help po mga mommy 🥲