no heart beat

July 2019 nagkaroon ako ng spotting konti lang after that wala na. Pumunta ako sa ob ko then chineck si baby no heart beat daw. 12 weeks na siya dapat nun. Pero 8 weeks and 2 days palang huminto na ang heart beat niya. Then IE niya ako sabi hindi pa daw bukas kaya need mabuksan para maraspa na. Binigyan niya ako ng evening prim rose. Nag 2nd opinion ako sa chinese gen. Kasi nakakatakot baka malason ako ni baby, pero sabi ng doctor ganon din, take lang daw ng evening primrose. Last last week pumunta ako sa fabella para malaman kung bakit hanggang ngayon hindi padin ako dinudugo, pero ganon din ang sabi mag take lang evening primrose kasi kailangan daw kusa na duguin ako. At mahihirapan daw silang iraspa ako kasi hindi parin bukas nung i IE ako. Nitong week may nararamdaman akong pumipinting sa tiyan ko, ano po kaya yun? Ang tagal na ni baby saakin?

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tyo last 2017 12weeks na c baby first baby ko pero 8weeks and 1day lang pala wala na sya, nag nag ultrasound pako nung 7weeks sya at ok pa naman sya, nag spot lng ako ng sobrang konti color brown ayon pumunta nako agad sa ob at tranv agad wala ng heart beat daw umiiyak ako sa harapan ng ob ko nun parang nagunaw mundo ko, sabe nya need ko na agad maraspa pero sa sobrang lungkot ko nun umuwi muna ko ng umiiyak kasama si hubby na pinapalakas loob ko, mag gagabi na nun parang d pa din ako makausap at ayoko nadin bumalik sa ob ko nun pero pinilit ako ng mama ko na mgparaspa pero ibang hospital na so ayun nga na confine nako pero hindi pa bukas cervix ko halos 4days ako sa hospital ni hindi manlang bumukas cervix ko amg dami ng tnuturok sakin nialagay sa dextrose pinpasok sa ari ko pero wala padin so mag decide ako na umuwi muna kase ang laki na ng bill namin private hospital kasi tapos private room pa, advise ng ob hindi pwedeng matagalan na hindi open cervix ko kasi pwede dw ako malason pero hindi ko iniintndi yon nasa isip ko lng masakit kasi nawala C baby sobrang alala ng pamilya ko nun saken halos abutin isang buwan bago lumabas c baby sa bahay pa as in sobrang sakit na halos gumapang ako sa cr at halos ilabas ko na ata lahat ng dugo ko sa katawan non limabas din placenta ko at nakita kong lumabas si lo ,nilagay ko sya sa palad ko hndi ko n alam nrramdaman ko non tapos dinala na nila ko sa hospital para maraspa. Nakaklungkot lang isipin ang daming what ifs😔

Magbasa pa
5y ago

Same 7 weeks din unang ko check up normal naman heart beat niya. Ayan din sabi ng ob ko ayaw niya ako pa admit hanggat di pa bukas ang cervix ko kasi wala din naman daw mangyayari. Kaya evening primrose tinitake ko pinapasok sa pempem 3 x a day. Pero hanggang ngayon wala pa din, kahit spotting wala pa huhu

me ..suppose to be 13 weeks s baby that time .pero s measure nya 8 weeks..mtgl n.pl sya wl hb..just spot n knt kng then nrsthn ako ng ob ng eve.primrose the sb nya pag redblood n lmbls at mlks ay pmnt nki skny bmlk ako aftr 4 days .d pdn ngbbleed ng mlks at mjo blak ung spot .then ie nya ako..pglbs ng dlr nya..may buu buung itm..means mtgl ng patay s baby .may nrsta p sya skn. d ko n mtndaan then pg ngredblood dw blk ako..ayyn aftr 3 days ult aun ngbleed nko..then raspa..s calculation ko 2 weeks mhgt s tummy ko s baby without hb..

Magbasa pa

Need daw tlga na mailabas mo c baby, mga 7 weeks nun nung nalaman ko na wala na c baby kya para naglakad ako sa mall at umakyat ng hagdan para bumuka cervix at humilab tyan ko...bago pa lang makauwi ng bahay masama na pakiramdam ko, pagdating ko sa bahay 3x ako nahlg CR, tpos nailabas ko sya ng kusa...kinuha ko c baby for histopath, then nung nqg TVS ako manipis na uterus ko kya no need na maraspa. Antibiotic at pangcontract na lang binigay sa akin...mas less ung gastos at sakit.

Magbasa pa
5y ago

Ako din po ganyan ginawa ko halos 4 hrs ako nag lalakad sa binondo paikot ikot lang, tas puntang mall halos every other day, nagbubuhat na ako ng mabigat, umiinom na din ako ng rh baka sakaling lumabas na si baby. Pero hanggang ngayon wala padin po

Never natin mararamdaman heartbeat ng baby. Kaya nga mga doctor gumagamit ng doppler/ultrasound/stethoscope para marinig heartbeat nila. If I were you, get another ultrasound to be sure kung viable ang pregnancy. Kung wala talagang heartbeat, go for D&C. May iniinject sila to force the cervix to open up. Hindi pwede tumagal ang nonviable fetus sa loob mo dahil malalason ka.

Magbasa pa
5y ago

Opo pinapasok 3 x a day. Meron po ako nitong last week ng aug lang po

Baka naman ok pa talaga si baby hindi kaba nagpa 2nd opinion nung sinabing walang heartbeat? Dapat after a week kung dika parin dinugo bumalik ka sa ob mo then pina check mo ulit si baby. Better po na magpa check-up ka ulit para malaman mopo kung si baby ba yung pumipintig. Good news po iyon kung sakali man😊

Magbasa pa
5y ago

8 weeks and 2 days nung nawalan siya ng heart beat, dapat 19 weeks na siya ngayon. Sabi naman ng ob ko at ibang doctor na napuntahan namin, hindi naman daw delikado need daw talaga na kusang lalabas si baby. Pero hanggang ngayon wala padin nangyayari saakin.

Ultrasound ka Sana mommy para cgurado Kung may hb ba c baby Ganon dn aq dati nka ranas kac aq Ng miscarriage Kaya noong nagprenatal aq ngayong 2nd na pag buntis q wla dawng heartbeat c baby Kaya na worried na namn dn kami Kaya early kami nag ultrasound Ng partner q sa AWA Ng dios normal lng c baby at hb pa

Magbasa pa
TapFluencer

Pwede nmn yan pg sa private hospital iopen cervix mo me gamot para don,usually kse pg public try muna nila na painumin ng gamot pmpalabas ng baby.

5y ago

sa chinese gen private po ganon din.po sabi saakin mag take lang ng evening primrose.

Pachek up k pu uli.. Tas pg ngpachek up k pu uli e sbhin mu pu ung pumipintig

5y ago

Dalawang beses na po may pumipintig sa tiyan ko.

Ramdam ko ang pintig ng tyan ko 12 weeks na sya.

Pintig ba talaga sis?

5y ago

Sana nga po, sobrang excited ng lahat sa baby ko. In jesus name🙏