no heart beat

July 2019 nagkaroon ako ng spotting konti lang after that wala na. Pumunta ako sa ob ko then chineck si baby no heart beat daw. 12 weeks na siya dapat nun. Pero 8 weeks and 2 days palang huminto na ang heart beat niya. Then IE niya ako sabi hindi pa daw bukas kaya need mabuksan para maraspa na. Binigyan niya ako ng evening prim rose. Nag 2nd opinion ako sa chinese gen. Kasi nakakatakot baka malason ako ni baby, pero sabi ng doctor ganon din, take lang daw ng evening primrose. Last last week pumunta ako sa fabella para malaman kung bakit hanggang ngayon hindi padin ako dinudugo, pero ganon din ang sabi mag take lang evening primrose kasi kailangan daw kusa na duguin ako. At mahihirapan daw silang iraspa ako kasi hindi parin bukas nung i IE ako. Nitong week may nararamdaman akong pumipinting sa tiyan ko, ano po kaya yun? Ang tagal na ni baby saakin?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Need daw tlga na mailabas mo c baby, mga 7 weeks nun nung nalaman ko na wala na c baby kya para naglakad ako sa mall at umakyat ng hagdan para bumuka cervix at humilab tyan ko...bago pa lang makauwi ng bahay masama na pakiramdam ko, pagdating ko sa bahay 3x ako nahlg CR, tpos nailabas ko sya ng kusa...kinuha ko c baby for histopath, then nung nqg TVS ako manipis na uterus ko kya no need na maraspa. Antibiotic at pangcontract na lang binigay sa akin...mas less ung gastos at sakit.

Magbasa pa
6y ago

Ako din po ganyan ginawa ko halos 4 hrs ako nag lalakad sa binondo paikot ikot lang, tas puntang mall halos every other day, nagbubuhat na ako ng mabigat, umiinom na din ako ng rh baka sakaling lumabas na si baby. Pero hanggang ngayon wala padin po