hinge lang sana ako ng advice.?? Stress na ako
May jowa po more than 4 yrs na po kami. Last year medyo nagkakalabuan kami. Pero pinipilit nya pong maging ok kami pero dahil di naman kami palagi magkasama kasi lagi syang busy sa work nya, ako din may work ako, syempre lagi syang busy parang feeling ko wala akong halaga sa kanya kasi mas inuuna nya ung work nya pero iniintindi ko naman pero may times kasi na kelangan ko sya kaso wala sya kaya may kawork ako na lagi kong napagsasabihan ng sama ng loob ko sa lahat hanggat nagkaintindi po kami tapos may nangyari po samin last jan. 12 2020 alam ko pong mali ung ginawa ko kaya sobrang naguguilty ako sa nangyari kaya simula nun nilalayuan ko na ung kawork ko at di ko na pinapansin kasi mas mahal ko pa din ung bf ko ngaun, tapos nalaman kong nabuntis ako 11weeks na po ako now. Last mens ko po is nung feb 4 2020. Una kampante ako na sa bf ko to. Tapos nalaman ng kawork ko nagun sinasabi nya saknya daw po tong dinadala ko. Nahuhulugan po ako ayoko malaman ng bf ko saka ang alam nya sakanya to kasi nung time na nilalayuan ko na ung ka work lagi na ako sa bf ko kaya laging may nagyayari samin sa bf ko kaya alam ko sa bf ko to . Sana wag nyo husgahan. Naiistress po ako ngaun. Kasi hanggang ngaun ginugulo ako ng kawork ko ngaun. Posible po bang sa kawork ko tong dinadala ko kasi jan 12 may nagyari samin nagka mens pa ako ng feb 4. Thank you po