My journey as a pregnant mom

January 7 ng malaman kong buntis ako. Noong una hindi ako makapaniwala, kasi hindi ko naman alam. Not until, nag share kami sa foods ng kasama ko sa trabaho. Tas antok na antok sya dahil sa kinain namin, sabi nya be mag pt ka kaya, kaya agad nag pt ako nung makauwi ako. Noong unang pt ko positive, hindi ko alam pano ako mag rereact. Pangalwang pt positive ulit. Sinabi ko na sa partner ko pero di ko alam kung paano ko sya ihahandle kasi sa totoo lang wala akong ideya sa pagbubuntis at pano alagaan. Feb 06 ng una akong mag paultrasound para ma confirm ko kung totoo ba talaga na buntis ako, at yun nga totoo. Napakaliit pa nya, 2.97 cm palang sya at 139 bpm naman ang heartbeat nya. Nalaman ko din na Nov 25 palang pala buntis na ako, noong mga panahon ng Dec wala akong ka-ideya(ideya) na nag dadalang tao na pala ako. Yung unang tatlong buwan nya wala akong ginawa kundi matulog, tamlay na tamlay ako at sobrang selan ko din sa pagkain at amoy. At 4 to 5 months naman nahirapan na ako makatulog, hindi ko alam kung anxiety ba yun o insomnia. Natatakot ako, sobra. Ayaw ko kasi isa samin ni baby ang mawala. Sobrang gustong gusto ko sya makita at maalagaan. At makitang lumalaki. April 24 naman ng malaman namin ang gender nya, lalaki sya. At may heartbeat na 143bpm sa awa ng Diyos ayos naman at normal ang lahat ng kalagayan ng baby namin, 463 grams na sya. 21 and 4days na po sya ngayon. #1stimemom

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congratulations, momsh! You will never know that you're ready until you get there. Don't worry, the Lord will never allow something to happen in our lives beyond what we can bear. So, keep fighting and faithing for your baby! ☺️

ako rin, actually kinakabahan talaga ako manganak. Dalawang buhay kasi nakasalalay buhay ko at buhay ng anak ko. Kaya nagpe pray talaga ako na sana maging normal panganganak ko. ☹️