Pa advice po pls....

Isang taon mahigit palang po kami nagsasama Ng LIP ko nagkakilala kami sa trabaho cashier ako displayer Naman siya naging kami hanggang sa mabuntis ako...magkaiba kami Ng lugar taga visayas ako siya Naman dito sa manila natakot ako Nung una na gusto Niya dun ako magstay sa place nila Ng magulang Niya Kasi Wala ako kakilalang Tao dun...di ko Alam Kung ano Yung mga ugali Ng mga taong makakasama ko dun ....nung una Okie Naman lahat kahit na natatakot ako sa nanay Niya Kasi may pagkamaldita tiniis Kung makisama sa pamilya Niya...habang siya nasa work Niya magkalayo kami Kasi malayo Ang work Niya umuuwi siya minsan pag may time o sahod siya...iniwan Niya ako sa magulang Niya....nung time na Malaki na Yung tiyan ko palagi na akong nagugutom Kaya Lang di ako masandok Kasi nahihiya ako Kung kailan Lang magaaya Ng Kain magulang Niya tsaka Lang ako kakain Kaya madalas malipasan ako nang gutom😔.may mga pagkain ako na gusto ko kainin pero di ko makain Kasi Wala ako mahingian 🥺dahil Wala siya Kaya tiniis ko lahat kahit na minsan gusto ko nalang umuwi samin..ako gumagwa Ng gawaing bahay sa kanila ...naglalaba Ng sarili kong damit kahit minsan nahihirapan ako gawa Ng pagbubuntis ko at morning sickness ko😣pero Wala ako kwenikwento sa LIP ko sa mga nangyayari sakin dahil ayaw Kung mag-alala siya at malaman Ng nanay Niya ...sa tagal din ng pagtira ko sa kanila lumabas ugali Ng nanay Niya Kaya takot na takot ako sa kanya🥺🥺....Wala siyang pakialam sakin nun kahit na gusto ko magpacheckup Wala di ko nagawa para sa first baby ko dahil ayaw Niya ako samahan gagastos Lang daw pwede nMN daw pagmalaki na tiyan ko ...hanggang sa umabot na Ng 7 months bigla nalang sumakit Ang tiyan ko para akong naglalabor na Hindi ko maintindihan Kaya sinabi ko sa kanila dinugo din na ako nun Ng paunti unti😢...Umaga palang sinabi ko na pero pinahiga Lang ako Ng nanay Niya Sabi pahinga ko Lang daw muna hanggang sa hapon di ko na talaga kinaya Yung sakit dun na nila ako dinala sa ospital pero pagdating dun hinanap nila heartbeat Ng baby ko Wala Sabi patay na daw baby ko sa loob.😭😭..nagalit pa sila Kasi Wala man Lang daw ako check up😔Hindi ko na Alam nangyari baxta natakot Nako at natulala nalang Nung sinabi na Wala na daw baby ko sobrang sakit naramdaman ko😭 sinisisi ko sarili ko Kung bakit pinabayaan ko Yung baby ko sa tiyan ko😭 Wala ako masisi nun kundi sarili ko Lang ...hanggang sa lumabas siya nung Gabi...pero di ko na siya nakita magulang Lang Niya nag-uwi at pinalibing baby girl ko😭😭 habang ako naiwan sa ospital nawala na ko sa sarili ko nun...sobrang sakit mawalan...tapos Wala pa yungLIP ko gawa Ng Wala byahe dahil sa pandemic mag-isa akong nagdalamhati para sa baby ko.😭..tapos sasabihin nang nanay Niya na Okie Lang Yun di para samin Yun ...nakakabaliw Yung sakit tapos sasabihin Niya na Okie Lang...pero Wala na ako nagawa hinayaan ko nalang..dahil magulang pa rin siya Ng lalaking Mahal ko...pinilit Kung kalimutan nalang nangyari... Hanggang sa napagdesisyonan Ng LIP ko na umuwi na at dito nalang magtrabaho kahit tricycle driver Lang para magkasama na daw kami...pinatira kami Ng magulang Niya sa Isa nilang bahay na pinauupahan malapit sa kanila para daw may privacy kami..nakabukod nga kami pero ayaw Ng Asawa ko na magluto kami Ng para samin dahil dalawa palang daw kami Kaya hnggang ngayon dun pa rin kami nakain sa kanila....hinayaan ko siya dhil Yun desisyon Niya nung una masaya Naman kami ...hanggang sa nabuntis ako ulit ngayon....lagi na kami nag-aaway Ng LIP ko...ayaw na ayaw Niya na makalat Ang bahay....malinis Naman ako sa bahay eh ..mga kapatid Lang Niya Yung nagkakalat dahil madalas dun naglalaro samin pero di ko masabihan gawa Ng takot ako sa nanay Niya....hanggang sa inaatake na ako Ng morning sickness ko hirap ako gumising Ng Umaga pero pinipilit ko para pagtimpla siya Ng kampe Kaya Lang bumabalik ako Ng higa dahil sa antok pa ko lagi na siyang nagagalit sakin na kesyo higa Lang daw ako Ng higa...apakatamad ko na daw😔...may time pa nga na sinasabihan Niya ako walang silbi dahil di ko mabantayan kapatid Niya sa labas dahil NASA loob Lang daw ako lagi Ng kwarto nakahiga🥺😔 ...sobrang nasaktan ako pero inintindi ko siya pero ako di Niya ko maintindihan na di Naman ako ganun dati ...na dahil buntis Lang ako ngayon...pero lagi pa rin siyang ganun lagi sakin nagagalit pag Wala ako ginagawa bat daw di ko tulungan nanay Niya sa mga gawaing bahay sa kabila...nahihirapan ako pero tinitiis ko..inintindi ko siya dahil Mahal ko siya...tapos pinilit ko siyang magpacheck up ako pumayag Naman siya binigyan Niya ako pera...Sabi Ng OB bedrest daw dapat ako baka makunan ulit pero di ko magawa dahil takot ako magalit siya...kahit paglalaba sinabi kung bawal na ako dun...paunti untiin ko Lang daw gawa Ng Hindi siya makakagawa nun dahil sa nabyahe siya pero minsan Naman dito Lang siya sa bahay nakahiga naglalaro Ng ML...ayaw Niya Lang talaga tulungan ako ...takot na takot pa akong utusan siya Kasi Hindi ako pwede magbuhat Ng mabigat...ginagawa Naman Niya Kaya Lang nagagalit siya at dami pa sinasabi Kaya minsan ako nalang gumagawa kahit na masama para sakin...sobrang naeestress na ako...ngayon nga na masama pakiramdam ko pinilit ko pa ring bumangon para maglinis Ng bahay ni Wala siyang pakialam kahit na may nararamdaman ako....madalas pa ako lipasan Ng gutom dahil nahihiya ako kumain dun sa kanila pag Wala siya Kaya inaantay ko pa siyang umuwi bago makakain ..minsan pa nakain nalang siya di ako yinayaya Kaya di ako makakain bumibili nalang ako sa labas na maari Kong kainin....Kaya naiisip ko minsan humingi na ng tulong sa pamilya ko na makauwi na at dun nalang hanggang na makapanganak ako...natatakot ako para sa kalagayan Ng baby ko ayaw ko Ng mawalan ulit sobrang sakit....pero ayaw ko namang iwan siya Kasi Mahal na Mahal ko siya pakiramdam ko di ko kayang nawala siya ...naguguluhan na po ako di ko Alam ano gagawin ko ...#advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momsh talk to your partner.. kc kayong dalawa ang nagsasama kaya dapat open kayo sa isat isa.. wether magalit siya or what mas ok na alam niya nara2mdaman mo kc makaksama po sa baby mo yan na palagi ka stress sa kakaisip. momsh madaling mawalan ng asawa or partner pero ang anak iisa lang yan at tayo maghi2rap at magdadala sa tiyan niyan. its time na isipin mo health mo at baby mo this time.. bilang partner mo dapat maintindihan niya at alam niya kung anung nangyayare sayo lalo na buntis ka po dapat mas doble alaga siya sayo. tandaan nyo po momsh, mas mahalaga ang baby m at ikaw ngaun kc delikado po kung hahayaan m yan kawawa ang baby sa tiyan m dahil nara2mdaman niya stress m at hindi maganda sa kanya yun.. kung tlagang mahal ka ng partner m maiintindihan niya lahat yan.

Magbasa pa

momsh wag ka paka tanga. unahin mo sarili mo tsaka kapakanan ng bby mo. di kana nadala nakunan kana pala, tapos nag papa alila ka ulit sa kanila. umuwi ka sa inyu kung kaya mo pang bumyahe. kung mahal ka ng kinakasama mo hindi ka dapat tinatrato ng ganyan.