17 weeks and 2 days pregnant

Sobrang na e stressed ako sa mga nangyayari sa buhay ko. I am 17 weeks pregnant, isang beses lang ako nagpa check up sa barangay health center. Binigyan ako ng referral slip nung midwife para magpa laboratory ako, to know kung may complications sa pagbubuntis ko at para na rin daw maresitahan ako ng tamang gamot na iinumin. January 14 pa ako nagpa check up, hanggang ngayon di pa ako nakakabalik kasi di pa ako nakakapagpa laboratory. Kailangan ko kasi yung results bago bumalik sa center eh ang kaso walang wala ako. Yung asawa ko walang trabaho, dito kami nakatira sa puder ng magulang nya. Di nila ako sinusuportahan, wala silang pakialam sa pagbubuntis ko, sinisisi pa nga nila ako nagpa buntis pa ako. Kahit almusal sa umaga wala akong makain. Nagtitiis ako sa gutom, tanghali at gabi lang nakaka kain. Nawawalan akong gana bumangon sa umaga kasi ganun at ganun lang buhay namin. Hindi naman totally naghihirap pamilya ng asawa ko, may sarili silang bahay, may internet, may tv cable connection. Pero yung suportahan ako sa pagbubuntis ko wala sila dun. Nung nalaman ni mama na buntis ako, kinausap nya ako na kahit anong mangyari makisama ako sa pamilya ng asawa ko, kung anong meron magtiis ako kasi ginusto ko to. Kaya di rin ako makahingi palagi ng tulong sa mama ko. Nagbibigay naman sya minsan, hanggang dun lang yun. Bawal ako mag demand sakanya kasi alam ko sa sarili ko, totoo ang sinasabi nya sakin. Ginusto ko to kaya magtiis ako. Share ko lang mga mommies, wala kasi ako masabihan ng totoo kong nararamdaman. 😔#pregnancy

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka responsibilidad ng mga magulang nyo, responsibilidad ka ng nakabuntis sayo. Bakit di sya maghanap ng trabaho para masuportahan ang pagbubuntis mo instead na palagi mong sinisisi ang pamilya nya na walang naitutulong sayo?

Kausapin mo partner mo, momsh.