Help! :(
Isang buwan na po kami di nag uusap ng mama ko simula nalaman nyang buntis ako. Di ko muna kasi inamin hanggang sa maka-graduate ako nitong June lang and 6 months pregnant ako non. Ang mahirap pa kasi nasa abroad sya at inunfriend nya ako sa fb. Ayaw nya sa boyfriend ko kahit na sobrang bait ng family nya sakin na halos anak na din ang turing sakin, responsableng partner at ama sa baby namin at kahit hindi kalakihan ng sweldo nya, lahat ng needs ko at ni baby nabibigay naman nya. Dito ako nakatira ngayon sa boyfriend ko sa Ilocos kasi pag umuwi daw ako ng Batangas hindi na nya kami papayagan magkita, tama po ba yun? ? Gusto ko pa din naman umuwi samin sa Batangas kaso kung uuwi ako at hindi na kami magkikita e paano naman ang baby ko walang tatay? ? Gusto ko kausapin mama ko pero hindi ko alam kung ano sasabihin ko bukod sa ilang libong โsorryโ na hindi ko alam kung matatanggap pa nya. Okay naman po kami ng tatay ko, pero syempre gusto ko din makasundo nanay ko kasi malayo sya at nasa abroad. Patulong naman po ano dapat gawin. Minsan sa gabi umiiyak ako. Nagp-pray nalang ako pag ganon para gumaan loob ko. Patulong naman po kung ano dapat kong gawin ?