Help! :(

Isang buwan na po kami di nag uusap ng mama ko simula nalaman nyang buntis ako. Di ko muna kasi inamin hanggang sa maka-graduate ako nitong June lang and 6 months pregnant ako non. Ang mahirap pa kasi nasa abroad sya at inunfriend nya ako sa fb. Ayaw nya sa boyfriend ko kahit na sobrang bait ng family nya sakin na halos anak na din ang turing sakin, responsableng partner at ama sa baby namin at kahit hindi kalakihan ng sweldo nya, lahat ng needs ko at ni baby nabibigay naman nya. Dito ako nakatira ngayon sa boyfriend ko sa Ilocos kasi pag umuwi daw ako ng Batangas hindi na nya kami papayagan magkita, tama po ba yun? ? Gusto ko pa din naman umuwi samin sa Batangas kaso kung uuwi ako at hindi na kami magkikita e paano naman ang baby ko walang tatay? ? Gusto ko kausapin mama ko pero hindi ko alam kung ano sasabihin ko bukod sa ilang libong “sorry” na hindi ko alam kung matatanggap pa nya. Okay naman po kami ng tatay ko, pero syempre gusto ko din makasundo nanay ko kasi malayo sya at nasa abroad. Patulong naman po ano dapat gawin. Minsan sa gabi umiiyak ako. Nagp-pray nalang ako pag ganon para gumaan loob ko. Patulong naman po kung ano dapat kong gawin ?

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nadisappoint lang ang mama mo kaya ganun. Di natin masisisi kasi bilang magulang may mga pangarap tayo sa anak natin. Magiging okay din yan in time. Wag ka na lang magsawang humingi ng sorry at ipakita mo na kaya mo panindigan ang nangyari sayo.

Pray earnestly. Wag ka po magsasawa. And she's a mother, normal reaction lang din nya yun. Pero pag nakita na nya apo niya,things will change. Just pray.

VIP Member

All you have to do is to pray and pray. Maniwala ka lag kay God. Relax mo lang muna sarili mo ha. 😊Mapapatawad ka din ng mama mo.

5y ago

Thank you po! 😞

Time heals. Hayaan mo na muna si mother. Matatanggap nya din lalo na pag makita nya na si apo later. ☺ God bless mamsh.

Momsh hindi ka nun matitiis. pag nakita nya yubg apo nya ewan na lang kung hindi agad kayo magkabati 😊

wag kang mag alala,nag tampo lang yan ,walang nanay na hindi matiis ang anak .

ako naman sa iisang bahay lng nkatira ni papa almost 6 months n rin di nya ko kinakausap ... alam ko may galit sya pero naisip kasalanan ko nmn at msakit pra sa kanya ung ngyare sakin hindi kc ako pinanagutan.. but i know in time magiging ok din ang lhat dahil magulang natin cla... basta bgyan lng natin cla ng time... hindi tayo matitiis non 😄😄

Magbasa pa

mag kaka ayos din kayo ng mama mo mamsh, nangyari din sakin yan samin ng papa ko more than 1 year nya kong di kinausap pero di ako nag sawa na humingi ng tawad ng paulit ulit kahit na ni block nya ko sa fb gumagawa ako ng paraan para makipag communicate sakanya, iparamdam mo na siryoso ka sa paghingi mo ng tawad wag kang mag sawa sa mama mo walang magulang na nakakatiis sa anak nya, kami ng papa ko maayos na ngayon tuwang tuwa sya sa apo nya.

Magbasa pa