Paano kung mas pinili mister ang trabaho niya kaysa samahan ang misis sa panganganak?

Isang mister ang mas pinili ang trabaho kaysa samahan ang manganganak na misis. Basahin ang buong k'wento! https://ph.theasianparent.com/inuna-ang-trabaho-kaysa-pamilya

Paano kung mas pinili mister ang trabaho niya kaysa samahan ang misis sa panganganak?
21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

During my first pregnancy, priority ni husband work nya. Kakastart pa lang ng Covid. Lahat ng checkups ko, nakaduty sya. Yung tipong may bagyo pa, tapos dumuty sya instead na samahan ako sa bahay, sobrang sumama loob ko. Hanggang sa nakunan ako. Solo lang ako sa OB nung nalaman ko na nawala na pala si baby. Hindi ko alam kung pano ako nakapagdrive pauwi. Tinawagan ko sya pero di nya agad nasagot kasi nasa OR sya, after operation saka lang sya umalis sa hospital tapos sinundo nya ako sa bahay, tapos sa same hospital kung san sya nagwowork ako nagpa admit. Yung tipong nakaadmit ako, tapos nagrorounds pa sya tapos may OR case pa. Ngayon dito sa 2nd pregnancy ko, super hands on na sya. Lahat ng OB apptment ko, kasama na sya. In advance, sa same hospital kung san sya nagwowork, nagsabi na sya agad na hindi na sya duduty pag naadmit na ako. Malapit na ako manganak ngayon at nandito na sya every step of the way.

Magbasa pa

Okay lng naman kasi sayang din ung araw. If no choice sinasamahan niya naman ako pero prehas kaming nsasayangan sa araw 🤣 Kaya ngayon kabuwanan ko na ang bantay ko yung kapatid niya tas siya papasok ng work pagkauwi tsaka lng sya punta hospital pra perma birth cert ni baby tas uwi ulit para magpahinga pasok knabuksan. Kailangan namin mag doble kayod kasi naka ML ako tas siya muna may work samin so no big deal naiintindhan ko naman. Kahit sa nga check up minsan niya lng ako masamahan halos kapatid niya sumasama kaya keribels lng ☺️

Magbasa pa

simula pag bubuntis, monthly check ups,hanggang sa labor room kasama ko asawa ko kaya salamat talaga sa Panginoon meron ako supportive na husband lalo n nalaman nia boy anak namin,alam ko pag tinanong ko sya anu pipiliin nia , samahan ako manganak o trabaho nia,alam ko ako pipiliin nia,kaya foul talaga sakin ung pinili nia ung work nia,ayun sa kwento ni sender sasama ang husband nia sa business trip kaya di sya masasamahan manganak,hmmm something's not right kay hubby nia..

Magbasa pa

kung no choice ang asawa ko, why not? if its for our family's needs .. pangalawang pagbubuntis ko nato pero seldom lang ako masamahan ng asawa ko sa check up, like very seldom lang talaga, pero di ako nagtatampo kasi alam ko lahat ginagawa nya para sa family at sayang yung mga araw na iaabsent nya kung kaya ko naman alone.😊

Magbasa pa

Para sakin okay lang para may pang gastos kmi kay baby actually dapat uuwi siya ng september bago ako manganak para daw may kasama kaso gusto nyang ma extend sa work kase sayang daw naextend sya ng 2 months november sya mkakauwi

di prin kmi tpos na pagusapan Yan, knina umaga lng nmin npagusapan.nasa knya nlng desisyon,knina masama lng loob ko sa knya.wla kc ibang sasama sa akin malayo ako sa family ko.nadagdagan pa Ng lockdown at kakaextended.😭😭😔

5y ago

ganyan din nagawa s akin nahatid at nasundo after work niya.nasasamahan nman niya ako pagpacheckup nuon halfday siya sa work.. virtual hug Kita mamshie😊ganito cguro nararamdaman kpag malapit na manganak parang nagiisa lockdown pa.

Masama loob. Pakiramdam mo di ganun kaimportante sa kanya para di ka masamahan sa araw na pinaka kailangan mo sya. Pero kelangan intindihin lalo na kung valid reason naman at di talaga kaya makapunta. 😢

walang problema basta may ibang aalalay sakin at dapat sapat ang dahilan kung bakit kailangan unahin trabaho kasi napaka grabe naman yun na papabayaan kang magisa sa unang araw na makikita ang baby

VIP Member

Yung asawa ko di ako nasamahan kahit isnag beses magpacheck up dahil sa trabaho, malayo kasi siya na-assign. Pero nung nanganak ako siya nagbantay saken. Depende naman yan sa sitwasyon.

okay lang for me, kasi para din naman sa magina nya yun kaya yun ang ginawa nya. kaysa naman magkasama nga sila sa panganganak pero maapektuhan ang trabaho.