Just sharing
I’m writing this just to share my thought and nakakapagod din magkimkim. Alam ko sa sarili ko na swerte pa ko sa asawa ko sa maraming dahilan. Pero ngayong gabi, medyo nagka sagutan kami. By the way, I’’ a mom of 2 pretty babies. Kaka 2mos pa lang ng baby girl ko. Ayun na nga, umiyak si baby. Si Daddy sabi nya ako na daw magpa dede (bottle) kasi iseset up pa daw nya yung Ragnarok nya. Sabi ko “si cellphone”. Pero chill pa kami. Sabi ko ako na mag set up kahit di ako marunong tinuruan nya ko. So padede sya habang tnuturo sakin. Hindi kami mag kaige ng konti, so nawawala sa posisyon ung dede ni baby kaya medyo naiyak. Sabi ko intindihin nya muna ang anak nya. Medyo naiinis na ko. Edi natapos na din kami, icharge ko daw, e medyo mainit na ulo ko. Sabi ko ikaw na pagtapos mo dyan, malolobat na daw yung cp nya. Ayun, sabi ko akin n nga (si baby), ako na magpapa dede. Puro ka cellphone. Hindi naman eto ang una, pati mother ko napapansin na sya, nag papatulog ng baby nag ccellphone. Kaya minsan imbis na tumahan lalong naiyak. May time pa na pag uwi nya galing work, hihiga tapos cp agad. Oo, alam ko naman na pagod. Pero ano ba naman yung kargahin mo muna ung anak mo? Para konting pahinga lang din para sakin. Hindi ko naman sinasabi na wag syang mag laro. Gets nyo po yung feeling? Willing magpuyat kasi maglalaro daw sila ng friends nya, no problem. Pero kapag kailangan gumising para alagaan si baby sa madaling araw parang hirap na hirap? Date din, kahit wala pa si baby, lalabas kami, gagala, sya nag ccp. Nakakainis lang. Nakakaiyak. Nakaka frustrate. Hindi naman ako nag rereklamo sa pag aalaga kay baby. Mahal ko yun. Pero syempre dumadating tayo sa point na, parang pagod na ko. I feel exhausted kasi puyat na ko magdamag kasi medyo maligalig si baby, tapos mag aalaga pa din maghapon. Hindi po ako mag rereklamo pero totoo naman di ba mommies, kailangan tayo ng baby eh. Iniisip ko na lang, at least yan lang pinagkaka abalahan nya. Walang bisyo, walang babae. Inaalagaan pa din nya si baby. Yun lang, gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko. Ayoko kasi isipin maddepress lang ako. Pero hindi ibig sabihin neto na hindi na ko swerte sa asawa ko. May time lang talaga na mas kailangan ko pa lawakan pang unawa ko. Kasi ganto na talaga sya e. Habang tinatype ko to, iniisip ko na bakit nga ba ko nag sulat e alam ko naman sa sarili ko na di sya nag kukulan sa amin. Nakaka loko ako no? Hahaha! Salamat sa pag babasa. I know hindi lang naman ako ang nakaka experience neto.