Paano pakainin ng prutas at gulay si L.O?
Im trying my best na maging kumpleto yung meal nya with fruits, veggie, protein and carbohydrates kahit na sobrang liit lang ng budget namin for food. Madalas nya kainin rice with lots of malunggay flakes at egg lalo na pag kinakapos. Gusto nya rin ang boiled corn, steam petchay, kamatis, sitaw. Minsan napapakain ko sya ng carrots pag di sya nakatingin, sa itsura kasi sya bumabase, napapansin ko ayaw nya sa kulay na yellow orange and orange tulad ng carrots, kalabasa, ponkan, manggang hinog. Makita pa lang nya ay naduduwal na sya.π’ Tuwing pinapatry ko sya ng prutas like orange, apple, banana ay ayaw nya ng lasa kahit i-mash ko, i-mixed or ipakain ko isa isa.π Diko tuloy sya mapakain ng prutas. Kinakain lang nya is indian mango na maniba, ayaw nya ng hilaw o hinog. I want to follow a strict Tamang Kain for babies with no salt, no sugar, no artificial flavors or seasoning kasi. Please help ano pa ibang way, technique, hack para mapakain sila ng gulay at prutas. Or recipe rin po.