mali ba ako? naging pabaya ba ako/kami?
I'm a teen and a first time mom of a handsome 1 month old baby boy. hindi ko na alam kung ano bang mali sa ginagawa ko. dito pa rin ako nakatira sa bahay namin kasama ko ang mama ko at 2 kapatid, dito na rin tumutuloy ang boyfriend ko simula nung nalaman naming buntis ako hanggang ngayon na nanganak ako. buntis pa lang ako ay nakikini-kinita ko na na himdi ako magkakaron ng peace of mind kapag kasama ko ang mama ng bf ko. may pagka mabunganga kasi at talagang may mga mapahiin na pinaniniwalaan sa mga bagay2. ang mama ko man ay mabunganga rin naman pero hindi sa level na nangingialam siya. hindi to the point na dinidiktahan ako sa kung pano ko alagaan ang anak ko. pero andyan siya palagi para umalalay ganun din ang mga kapatid ko kaya swerte ako. akala ko kasi lalayo loob nila sakin pero grabe nila ka-palsngga ang anak ko. eto kasi parang routine na namin ng anak ko. usually 6-7 am gising yan siya at papaarawan ko siya at ibang activity pa gagawin namin panglibang ko sakanya. once napagod siya hahanap na siya dede tapos matutulog siya. magigising yan around 9-10. ayun ang bath time niya na. so to cut the story, kaninang kaganapan kasi ay ganun nga yung routine namin nasunod tapos nagising kami ng anak ko ng 10am. kumain muna kami ng bf ko bago ko paliguan si baby kasi kagigising niya lang eh. so mga 10:30 pasado ko na siya napaliguan. patapos ko na siya liguan nang umiyak siya kasabay nang pagtawag ng mama ng bf ko at nagalit nung nalaman na pinapaliguan namin nang ganong oras si baby. sobra akong nainsulto kasi parang pinamukha sakin na wala na akong ginawang tama, nadamay pa sila mama at mga kapatid tinatanong kung wala raw bang umaalalay samin at nagbibigay advice. gusto raw ba namin tumirik ang mata ng anak namin. at humirit pa na dalhin daw namin anak namin sakanya at siya mag aalaga o kung gusto namin ay sumama kami para magabayan niya raw kami. nabastusan talaga ako kasi narinig yon ng nanay ko at ramdam kong nabastusan din siya. umiyak ako kasi parang sampal yon sakin. para sakin kasi ayoko talagang magmukhang engot sa paningin ng iba kaya lahat ng bagay inaaral at inaalam ko. nung buntis pa lang ako wala akong mintis sa pag alam kung pano mag alaga ng baby sa sinapupunan at sa paglabas. pati ang pagdeliver normal ay inalam ko dahil ayokong galitan ng midwife. sobra2 yung sacrifices ko para mabungangaan ako nang ganon. ngayon mga mi, ano ba talaga ang tama? mali ba ang routine namin ng anak ko?