asking for your advice
Hi mga mommies. Totoo po ba na mas kapana panatag iwan ang iyong anak sa side ng/mama mo kaysa sa side/mama ng partner/asawa mo I'm a FTM. I'm currently living with my bf of 10yrs, his family and his relative (his auntie and Lola) for almost a month. Mabait sila at maalaga. (mahigpit nga lang) Napilitan akong magresign because of my sensitive pregnancy (which is our decision Mag bf) at dahil sa pandemic, sobrang laki ng naging changes sa mga plano namin. Isa na din yung plano naming bumukod. Nung una. Plano kong magpahinga for at least a year or 2 para maalagaan ang magiging anak namin. But lately, parang gusto ko na magkatrabaho. Dahil na rin siguro nakikita ko yung hirap ng bf ko ngayong pandemic. Madalas din po kasing magsabi yung mama niya (house mom since the beginning) na sana kung maari makabalik ako ng trabaho, willing siya mag alaga daw. Pero nung una kasing nalaman niyang buntis ako, hindi daw niya kakayanin dahil may edad na siya at nag aaral pa mga kapatid ng bf ko, panganay ang bf ko. Ayun sabi niya sa bf ko. Medyo ironic sakin. 😅 Iba ang situation ngayon at alam natin yun. asking me or us about sa money namin ng paulit ulit. Medyo naririndi ako minsan. Kasi pati ayuda like SAP pati possible amount na claim ko sa maternity tinatanong niya. (sorry don't judge me 😅) First time kong maranasang hindi sumasahod. (I am currently doing online selling, kaya nakakapag share ako sa panganganak ko kahit papaano). Gawa ng I used to live on my own. Nakabukod po ako kasi 2 nalang kami ng kapatid ko sa PH. Nasa ibang bansa ang mama ko at isang kapatid ko. Natotorn ako mga mommies. Anong gagawin ko kung sakaling dumating yung time na magtrabaho na ako ulit. Lagi ko pong iniisip kanino ibibilin ang anak ko. Sabi kasi ng karamihan iba pa rin daw pag mama mo o side ninyo maiiwan ang baby mo. (ayun din po ang nararamdaman ko) Nalulungkot ako kasi nagiging secretive ako sa bf ko. Hindi na nga po ako maiwan sa kanya ang phone ko sa kanya. Kasi ayokong mabasa niya yung convos namin ng family ko. Open po kasi ang mama ko na gusto niya makabukod na kami dahil ayaw niyang sa side ng partner ko lumaki ang magiging baby ko. (which is pareho kami ng gusto) Baka may maipapayo kayo mga mommies. Hindi ko maiwasan mag alalang sobra. 😟