Ano ba karapatan natin as a wife?
Hi! I'm a new wife and soon to be mom. We got married last December. Si hubby is from broken family. Lumaki siya na ang family niya is mga pinsan and barkada niya. May sarili siyang place pero nung mag jowa palang kami normal scenario na nandito mga friends niya (na naging friends ko din naman eventually). I grew up with my fam, and mabarkada din naman pero we don't bring barkada at home. We have privacy sa bahay namin and it really is a place for our family. Very rarely that we have friends over. Ngayon torn ako. Alam ko kasing family ang turing ng hubby ko sa friends niya and nakasanayan na nila, pero I need privacy. Especially now na buntis ako. I feel the need to be able to occupy every space in the house as much as I want. Gusto ko makapaglakad ng walang bra anytime na gusto ko, or do anything else. Usually kasi pag nanjan sila, nasa kwarto lang ako. Kasi nagssmoke din sila so ako nalang magadjust. I know dapat napagusapan na namin to before pa. Actually napagusapan naman na namin. And hindi na talaga sila pumupunta. Pero lately lagi nanaman silang nandito and worse nagssmoke. Titigil lang sila saglit pag lalabas ako ng kwarto. I know I should communicate this kay Hubby pero based on experience din kasi he has a tendency to feel na inaatake ko yung friends niya pag may pinupuna ako sakanila. Minsan hindi ko alam kung san ako lukugar pagdating sa friends niya and kung hanggang saan ba ang karapatan ko as a wife. Any advice momshies? Salamat!!