Hello. May tama naman kayo. Kapag kasi nakuha na nila sweldo nila, nawawalan na sila ng gana magtrabaho. Nungg teenager ako nagpagawa din mother ko ng bahay, extension, ayun di pa tapos nakuha na swelo ending tinamad na magtrabaho, naghanap ng ibang trabaho yung kinontrata.
Regarding naman sa bintana, kung sinagad niyo po yung bahay niyo sa lote, firewall na po yun, wag na po kayo magbintana. Katulad po sa picture, firewall na dapat yan, useless yung bintana niya dahil kapag napagisipan ng kapit bahay niya (blue roof) magpataas, wala, mahaharangan na yung bintana niya.
Basic safety narin, dapat walang butas ang firewall para pag may sunog di madadamay ang bahay niyo.
Meron pa dito sa kabilang bahay, may bintana din yung sagad sa lote nilang pader ayun, nagpataas ng bahay kapit bahay, awkward, kasi yung kapit bahay di niya sinagad sa lote ang pader niya, kaya nag bintana siya ang kaso, tapatan naman sila ng binatana 😅😂
Anonymous