Any tips para mag open ang cervix?

I'm currently 38 weeks, everyday walking halos 3x a day na nga tapos 3x a day na din ako nag ta2ke ng primrose orally. Squatting and exercise pang pregnant, uminom ng pineapple and salabat ginawa ko na kaso stock pa din sa 2cm 😭 Any advise mga mamsh?

23 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

try to eat yung whole pinya(kasama yung gitna kainin kasi yun yung may mataas ng enzyme na makahelp lumambot ng cervix) at semen ni hubby, nakakahelp po pampalambot din ng cervix. wag po mastress. the more na nasstress po kasi the more na tumatagal po. breath in, breath out. trust and talk to your baby. hinihintay po kasi yan. minsan inaabot ng 40-41weeks din. depende rin kay OB mo kung ipapainduced na ba incase na umabot ng 40-41werks without progess ng labor po

Magbasa pa

ako nga mi 38weeks na close cervix pa. pinapainsert ung primrose sken kaso di ko magawa lumalabas lng sya 😢 sabi ng ob maki pag sex sa asawa the best daw un. pero ask your ob first kung pwede ka. next check up ko sa monday sana kht paano mag open na panay din ako salabat at pineapple juice

Tuloy tuloy mo lang mi yung ginagawa mo, kausapin mo din si baby tapos huwag kang panay ang higa and samahan mo na rin ng panalangin na makaraos ka na. Good luck mi and have a safe delivery.

relax ka lang mami. 38wks ka pa lang naman. continue mo lang exercise mo at primrose. ako nga dati mi 40weeks and 3days na close pa din cervix ko eh. kaya mo yan mi. prayers.

1y ago

nag exercise lang ako mii. nag squat and walking. the next check up ko 2cm na ko that was 40weeks and 5days. kinabukasan 4cm na kaya inadmit na ko. after 1 hr na naka admit ako nag 9cm ako agad. nakapa na ni doc ulo ni baby kaya pinaire na ako. kmusta mi ilang cm ka na? nagpa BPS ka na?

same as mi buti nga po yung inyo may cm na ako nga po wala pa kaya pinagtatake na rin ako ng primrose para bumukas na yung cervix ko e kabuwanan ko na rin po ngayon feb e.

currently 38 weeks po, pero closed and floating pa din ang cervix😩 nag start na din po ko mag take ng primrose intravaginally. Sana lumabas na si baby ko

try prim rose po, ako close cervix pa nung 38 weeks tas nag insert ako ng isa at uminom din ng isa 12 o clock lang 8cm na agad ako

relax lang my. Kung gusto na lumabas ni baby, mag oopen din yan. continue lang sa mga ginagawa mo to help your baby nadin paglabas.

buti kapa mii 38 weeks kapalng 2cm na ako mag 40 weeks na bukas 1cm plang pero malambot naman na daw cervix ko

kung ayaw pa ni baby lumabas kahit mag tumbling2 kapa di yan lalabas. kung oras na lalabas at lalabas yan.