CS or Normal Delivery

I'm on my 7th month of pregnancy (specifically, pang-29th week). I am thinking to have a CS delivery rather than normal delivery. Me and my husband went to our midwife for a check up. I asked her my concern about having a CS delivery since panganay to at sa public hospital naman talaga ako manganganak dahil 28 years old na ko (kasi rule daw yun sa lying in eh). At isa pa, I am having a trauma (my sister tried to have a normal delivery 2 years ago but unfortunately, late minute, her doctor conducted a CS delivery on her) so I decided that instead of experiencing that kind of pain and labor stage, I prefer to have my giving birth being scheduled. Pinakita ko rin ang result ng last na ultrasound namin. Sabi ng midwife after seeing the result, maliit daw si baby with his weight of 1197 grams. Pero napakalakas lagi ng movement nya so sabi ng midwife and I quote, "Sa totoo lang, maliit ang baby mo, kung icoconvert natin yan, so far, nasa 4 pounds palang siya. Pero sabi mo nga, malakas naman ang movement nya. Mabilis naman lumaki ang bata. Ang mga naisi-CS ay yung mas matataas pa sa 2.5 kilos. So sa susunod na check up mo sa hospital, ganto ang gawin mo. Magheart-to-heart talk na kayo ng doctor. Pero since public hospital yan, feeling ko, pag ganto ka-normal ang results (hindi suhi ang bata kasi halos nasa posisyon na siya tapos maliit pa), hindi ka nila isi-CS. Unless makitang suhi ang bata, o sobrang laki or maliit ang sipit-sipitan mo. Kung private siguro yan, bibiyakin ka agad talaga kasi pera yun eh." Ganun ba talaga sa mga public hospital? Di agad papayagan kahit yung buntis na mismo ang gustong magpa-CS? ? Just asking lang po. Kinakabahan talaga kasi ako na naeexcite. Kinakabahan ako kasi baka di ko kayang umire tapos maipit ang bata, mga ganun ba ang nasa isip ko. Please enlighten me nga po and encourage me also. ? Anyway, I will be having a baby boy soon. ?

78 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I gave birth to my first baby last February 13. It was healthy baby boy πŸ‘ΆπŸ˜Š. Share ko lang po naging experience ko. Me and my partner decided (from the start pa lang din ng pregnancy ko) na sa lying in ako manganganak kasi mas affordable dun and etc.. Nang kabwanan ko na, 40 weeks na ako no sign of labor pa din and nasa 1cm pa din ung cervix ko. Nung araw na pinapabalik ako ng midwife sa clinic nya for my check up, nag kataon din na may lumabas ng tubig na may kasamang dugo sa panty ko and we went sa lying in na dala mga gamit ko. Pag check sa akin, still 1cm pa din ung cervix ko. Ginawa pina admit na ako, tinurukan na ng swero and everything, I told to my self ito na this is it. I was expecting na February 12 (within that day) mailalabas ko na si baby kasi morning pa lang nandun na kami sa lying in. Kada 2-3 hrs chine check ako at may tinuturok na sa akin, then bandang hapon dun ko na nararamdaman ung hilab, kasi tinurukan din nila ako ng pampahilab, mga unang oras, tolerable pa ung pain, naka kain pa ako ng biscuit at naka tayo pa ako nun para mag cr. Then nung kinagabihan na, patindi ng patindi ng ung hilab, halos makurot at mahawakan ko nang mahigit ung partner ko sa sakit at naluluha na ako, napapa sabi na lang ako nun na "mama ko" πŸ˜πŸ˜… "aray" or lahat ng santo natawag ko na 😁. Bandang 9pm sobrang sakit na talaga, d ko ma explain but grabe na ung pain, halos umiyak na ako sa sakit, pinasok na ako sa birthing room and hinanda na lahat, after 30 minutes, dumating na ung doctora na mag papa anak sa akin and 10pm dun na mag start lahat.. 2 hrs akong nag iire, sabi nila kita na ung bunbunan ni baby and maliit lang daw sya kaya ko sya ilabaa. Ung doctora, midwife and ung mga assistant nag tulong tulong na para mailabas si baby ko dahil 2 oras na ako nag iire nag bigay na ng sign ung doctora na i CS ako kasi alanganin na, then they gave me a chance to push once more, d talaga ayaw lumabas ni baby, pinapasok sa room ung partner ko and pinaka usap sa akin para daw bigyan ako ng lakas kasi sobrang hinang hina na ako nun na anytime mag bla black out na paningin ko, wala akong naging response kundi umiyak na lang. Then nag ligpit na ng mga gamit kasi itatakbo na ako sa hospital for emergency CS. Halos mabilis ung pang yayari na un, nararamdaman ko pandin that time ung hilab habang nasa byahe kami papuntang hospital (that was 12am) then naalala ko, dun na kami sa hospital and pinasok na ako sa operating room and ininjectionan nang anesthesia at aun naka tulog na ako, 1:54am nang ilabas ko si baby boy ko, 3.4kg sya, malaki pala and naka tihaya sya kaya hirap ko syang iire. Akala kasi nila sa lying in na maliit si baby and baka naka pulupot ung pusod sa may paanan nya kaya hirap ko syang ilabas. Sa ngayon, 3 weeks old na po baby ko, sa awa ng Dyos, normal and healthy si baby ko and stable naman ung mga vital signs ko kaya naka labas agad kami ng hospital. Ayaw ko talaga ma cs dahil una wala kaming kalaking pera para dun. But ito nairaos din namin sa tulong ng mga mahal namin sa buhay. Momshies, for me CS man or normal delivery ang preferred nyo what importance is ung safety nyo ng baby mo during labor. Kasi kapag nandyan na sa mismong actual na labor, ang mga doctors ang makakapag sabi kung kaya mo ba inormal or CS, case to case basis po yan. Yes masakit ung labor sobra, pero worth it po lahat ng pain, gastos kapag nakita nyo ung baby nyo na normal and healthy. Praying po for your safe delivery and health sa inyo ng baby mo πŸ™πŸ˜˜. God bless you

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Wow. Nakaraos ka na po. Congrats po. 😘