Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Blood after giving birth
After ko po manganak via CS delivery last May 4, 2020, dinugo na ko at dinudugo pa rin until now. Okay at normal pa rin po ba yun?
EDD
Good morning. I had 4 ultrasounds and came up with different EDDs. :( May 4, May 10, May 11 and May 17. Supposedly, due date na po ni baby today based sa first ultrasound ko pero hanggang ngayon, wala po akong nararamdamang paghilab. Last Friday, we went to lying in to have my check up and 1cm na ko. Yesterday, we found out na 3cm na ko but hanggang ngayon, walang malakasang paghilab na umaatake. Is this normal po? Medyo nakakaworry po, ayoko na kasing ma-CS. Isa pa po sa ikinawoworry ko ay baka maoverdue. :(
Painless
Tanong lang po. Sa painless na panganganak ba, iinject na agad yung anesthesia bago ka mag-labor? Or magle-labor ka pa rin nang bongga tapos pag iire ka na tsaka ka sasaksakan?
Spotting at 7 months
Heto na naman po. ? Last Wednesday, nagkaroon na naman ako ng spotting. May kasamang pananakit ng puson at balakang. (Pero agad din naman nawawala pag naipahinga o inihiga ko) Ipinahinga ko siya ng Thursday pero meron pa rin. Nagpacheck up po ako ng Friday (kahapon) at nakita po na sarado naman po ang cervix ko kasi ini-IE ako. Then malakas din po ang movement ng baby ko with a heartbeat of 144 bpm. Then normal naman din po ang size ng tiyan ko with 25. Binigyan na naman po ako ng gamot. Pamparelax daw po ng matris. ? Ngayong umaga po, meron na naman. ? Natatakot na po ako. Iyak na ko nang iyak kagabi. ? Advice naman po mga mamsh. ? Nagwoworry na po talaga ako eh.
CS or Normal Delivery
I'm on my 7th month of pregnancy (specifically, pang-29th week). I am thinking to have a CS delivery rather than normal delivery. Me and my husband went to our midwife for a check up. I asked her my concern about having a CS delivery since panganay to at sa public hospital naman talaga ako manganganak dahil 28 years old na ko (kasi rule daw yun sa lying in eh). At isa pa, I am having a trauma (my sister tried to have a normal delivery 2 years ago but unfortunately, late minute, her doctor conducted a CS delivery on her) so I decided that instead of experiencing that kind of pain and labor stage, I prefer to have my giving birth being scheduled. Pinakita ko rin ang result ng last na ultrasound namin. Sabi ng midwife after seeing the result, maliit daw si baby with his weight of 1197 grams. Pero napakalakas lagi ng movement nya so sabi ng midwife and I quote, "Sa totoo lang, maliit ang baby mo, kung icoconvert natin yan, so far, nasa 4 pounds palang siya. Pero sabi mo nga, malakas naman ang movement nya. Mabilis naman lumaki ang bata. Ang mga naisi-CS ay yung mas matataas pa sa 2.5 kilos. So sa susunod na check up mo sa hospital, ganto ang gawin mo. Magheart-to-heart talk na kayo ng doctor. Pero since public hospital yan, feeling ko, pag ganto ka-normal ang results (hindi suhi ang bata kasi halos nasa posisyon na siya tapos maliit pa), hindi ka nila isi-CS. Unless makitang suhi ang bata, o sobrang laki or maliit ang sipit-sipitan mo. Kung private siguro yan, bibiyakin ka agad talaga kasi pera yun eh." Ganun ba talaga sa mga public hospital? Di agad papayagan kahit yung buntis na mismo ang gustong magpa-CS? ? Just asking lang po. Kinakabahan talaga kasi ako na naeexcite. Kinakabahan ako kasi baka di ko kayang umire tapos maipit ang bata, mga ganun ba ang nasa isip ko. Please enlighten me nga po and encourage me also. ? Anyway, I will be having a baby boy soon. ?
Blood
Kinakabahan po ako. 20 weeks na ko ngayon, tapos nagkaroon ako ng ganito. ? Sabi ng mother ko, tag-bawas lang daw ito. Posible ba talaga na nagkakaroon ng ganto? Ngayon lang naman ako nagkaspotting. ? Yung last na result ng ultrasound ko, okay naman. ?
Lihi nga ba ito?
Hi! First time to ask about something and first time mommy-to-be here. I'm 8 weeks pregnant po. Normal po ba na kahit anong oras nahihilo ako at parang laging bumabaligtad ang sikmura ko at hindi sa umaga lang? Sobrang antukin at tamad rin po ako ngayon magkikilos. Pag nakaamoy ng di ko gusto, or nakakain ng pagkain na dati ko namang mga hilig, naduduwal ako. Normal pa po ba ito? Kung oo, hanggang kailan po kaya ako magiging ganto? Thank you.