Need advice

Im 7 months preggy. Gusto ng partner ko tapos ng magulang nya at syempre magulang ko din na mag pakasal kami next year. Kaso ako naman ayoko kasi niloko nya ako, wala na akong tiwala sa kanya. Parang nakisama na lang din ako sa kanya dahil sa baby namin. Ano ba dapat kong gawin? Hindi ko kasi makalimutan yung ginawa nyang panloloko sakin kaya ayoko talagang napag uusapan yung kasal, kasi naiisip ko niloko na nya hindi pa kami kasal pano pa kung magpakasal kami ?

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung kasal po kasi it's not your parents or his to decide. Kayo pong dalawa kasi kayo yung magsasama. Kung nagawa na nya kayong lokohin noon and di ka po nakakita ng pagbabago sa kanya, wag mo na lang po ituloy kasi the marriage will be doomed from the start. Pero kung may pagbabago naman po and you see that he's trying his best to win you back, baka po pwede nyo bigyan ng chance. Wag nyo lang po gawing reason sa kasal na kesyo gusto ng parents nyo or para sa baby ganyan kasi po mahalaga rin naman yung well being and future nyo po. :) God bless you!

Magbasa pa