Need advice

Im 7 months preggy. Gusto ng partner ko tapos ng magulang nya at syempre magulang ko din na mag pakasal kami next year. Kaso ako naman ayoko kasi niloko nya ako, wala na akong tiwala sa kanya. Parang nakisama na lang din ako sa kanya dahil sa baby namin. Ano ba dapat kong gawin? Hindi ko kasi makalimutan yung ginawa nyang panloloko sakin kaya ayoko talagang napag uusapan yung kasal, kasi naiisip ko niloko na nya hindi pa kami kasal pano pa kung magpakasal kami ?

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin sis hindi kailangan madaliin ang kasal, My kilala akong ganyan napilitan lang nagpakasal ayun hiwalay na sila ngayon, kung hindi pa bukal sa loob mo magpakasal wag kang matakot or mahihiyang magsabi kasi kayo din magsusuffer bandang huli, idaan mo lang ito sa mabuting usapan. marriage is a lifetime commitment, Pray and ask for your guidance, God bless sis! 😇

Magbasa pa