Pls don't hate me. Need an advice lang po.
I'm 30 weeks pregnant right now. So here's my story. Kakagraduate ko lang last year nakapagwork nman ako agad until now im still working. Na meet ko tatay nang baby ko dito sa pinagtatrabahoan ko kasi same lang kami nang company na napasukan though nasa higher position nga lang sya pero magkaiba kami nang branch. Alam kong nung una may iba na sa kanya kasi palagi na nya akong tinitreat nang pagkain nakikipag bar na kami lang dalawa hanggang sa may nangyayari na samin. Hindi namin napag usapan kung ano tlaga yung ugnayan namin basta yung sakin no string attached lang kami kasi alam kong may pamilya na sya though hindi pa sila kasal pero matagal na kasi silang nagsasama. Ou tanggap ko na tanga ako kasi pinagpatuloy ko pa rin yung ganung sitwasyon. Hanggang sa malaman kong buntis ako 3 months na ko nung sinabi ko sa kanya pero nag suggest sya kung pwde ba namin ipalaglag sinabihan ko syang subukan namin kaya sinamahan nya ko kung saan kami pwde magpatanggal. Ako lang yung pinapasok nya naghintay lang sya sa labas pero di ko kinausap yung tao sa loob hinintay ko lang na mag 30 minutes before ako lumabas at di ko na sya kinausap. Kinagabihan nun nag message ako sa kanya na di ko ipapalaglag ang bata kasi di ko kaya, na tatanggapin ko lahat nang consequences mabuhay ko lang tong batang dinadala ko kaya wala siyang nagawa sinabihan nya lang ako na magsupport sya financially. Tinago ko sa lahat pati sa parents ko na sya ang ama nang pinagbubuntis ko kasi bawal yun sa work namin ayaw kong matanggal sya sa work kasi ang iniisip ko paano sya makapag sustento kung wala syang work tsaka may pamilya syang binubuhay. Ayoko rin na masira pamilya nya? kahit ako na ang agrabiado mga masasakit na salita tinanggap ko at iniiyak ko nlang yun nang patago. Pero wala tlgang secrets na natatago forever nlaman nang family ko pati na rin sa workplace namin pero ako yung pinag desisyon kung tatanggalin ba sya or hahayaan na lang syempre pinili kong hayaan pa rin syang magtrabaho para na rin makapagsustento sya. Hanggang umabot sa point na parang wala na syang pakialam sa bata okay lang kung sakin wala sya pakialam pero para nlang sana sa baby magkapaki nman sya kaya nagalit ako sa kanya hindi ko na sya kinausap even mga calls nya di ko na sinasagot sorry sya nang sorry pero di na ko nagrereply. This august lang nagkausap kami madami syang reason kung bakit di sya nakakapagbigay kahit piso wala pa syang nabibigay until now. Dapat pa ba akong umasa na mag susustento sya? Or iiwasan ko na talaga sya forever? Di ko pa rin kasi alam kung ipapakilala ko sa baby ko na sya yung tatay nya. Balak ko kasi na never ipakita sa kanya yung baby ko. ???