HELP! Need Your advice. Ano ba dapat gawin?

I'm 22 his 23, both fresh grad, I think 1 months pregnant na ako. Ayaw ko tumira sa bahay kung buntis nga ako may kapatid kasi akong toxic ang ayaw ko abalahin si mama or kahit sino sa kanila, and ayaw ko din tumira sa bahay on my boyfriends side, kasi after his b exam, plan niya sa manila mag work, ayaw ko maiwan dun hindi ko kaya mag isa because I know kahit mabait sila hindi ko magagawa ang normal na pag galaw. Now gusto ko sana dalawa nalang kami umalis. possible ba makahanap din ako ng work dun? para makatulong din ako sa kanya. Ang problem lang is yung budget for the meantime. Dahil sigurado naman hindi kami agad makakahanap ng work. Pero siya I think makakahanap aga if makapasa siya sa b exam as an engineer. Ayaw ko po talaga maiwan dito. Naiisip ko palang nag papanic na ako. ako kasi yung tipo na as much as possible hindi ako magiging pabigat sa iba. Please be kind, we're going to do our best. His my first boyfriend, and I'm also his first girlfriend. Never kami almost 5 yrs nagka issue about third party. His like my best friend na din, kung iiwan niya ako either sa family ko or sa side niya, hindi ko kaya. Sa tingin niyo kakayanin ba namin? sana may mag bigay ng advice, wala ako makausap. tsaka na namin ipapaalam after ng b exam niya para makafocus siya sa pag review.

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi same tayo fresh grad palang. 2 months na ko nung masabi ko sa parents ko. Puro ingay yes pero kung alam mo sa sarili mo yung consequences at tanggap mo na ang sitwasyon, ang yawyaw is magiging paulit ulit nalang hanggang sa mapagod sila. Need mo family support po, dyan ka muna pero wag mo asahan yung full support nila emotionally. Kayo ng partner mo ang mamroblema hindi lang ikaw. Hindi ang baby ang problema ah yung sitwasyon lang kasi di ready. Financially mahirap talaga kapag hindi ready. Sa case ko naman may support parents ng bf ko sa akin at makakapagpakasal at makakapagbukod kami in time. Ang struggle ko now sa parents ko is yung paulit ulit na sermon but tanggap ko naman. Aalis na ko once na makapagpamanhikan na. Suggest ko lang muna sa inyo stay ka muna sa parents mo after mo sabihin wag mo na antayin yung bar exam. Pagnakapag b exam na si bf hanap agad work. Saka nyo pag usapan ang pagbukod. Pero nakapagpt ka na ba?

Magbasa pa