Hi same tayo fresh grad palang. 2 months na ko nung masabi ko sa parents ko. Puro ingay yes pero kung alam mo sa sarili mo yung consequences at tanggap mo na ang sitwasyon, ang yawyaw is magiging paulit ulit nalang hanggang sa mapagod sila. Need mo family support po, dyan ka muna pero wag mo asahan yung full support nila emotionally. Kayo ng partner mo ang mamroblema hindi lang ikaw. Hindi ang baby ang problema ah yung sitwasyon lang kasi di ready. Financially mahirap talaga kapag hindi ready. Sa case ko naman may support parents ng bf ko sa akin at makakapagpakasal at makakapagbukod kami in time. Ang struggle ko now sa parents ko is yung paulit ulit na sermon but tanggap ko naman. Aalis na ko once na makapagpamanhikan na. Suggest ko lang muna sa inyo stay ka muna sa parents mo after mo sabihin wag mo na antayin yung bar exam. Pagnakapag b exam na si bf hanap agad work. Saka nyo pag usapan ang pagbukod. Pero nakapagpt ka na ba?
Mi ito opinion lang ah. I think sa ngayon kelangan nyo talaga ng tulong ng fam nyo. One downside yan ng pagbubuntis ng hindi pa kayo financially, emotionally, physically ready. Pero andyan na yan. Sa ngayon wag mo muna iisipin yung sarili mo mi. Isipin mo si baby. You need all the help that you can get. Hindi biro ang bumuhay ng baby. Kung sasama ka sakanya, at mag ttrabaho din, sino mag aalaga ng baby nyo? Makahanap man agad ng work si partner, bibilang pa din ng ilang weeks to months bago maka sweldo. Pag magkakaanak ka na talaga kelangan mo na maging selfless mi. Baby muna bago sarili. Lunukin ang pride dahil alam nyo naman na possible mangyari yan pag nag sex kayo. Face the consequences (not that the baby is a consequence ha, yung mga paghihirap na pagdadaanan nyo just coz you're not ready yet).
For me since hnd pa kayo financially stable, Dun ka magstay kung saan mag makakatipid muna kayo. How sure you are na after nya makapasa ng board may work agad? Pano finances nyo if bubukod kayo? Ang gawin nyo mag hanap sya ng stable work muna then ipon kayo hanggang kayo nyo na bumukod. wala naman masama mag stay sa sides nya if you find your own family toxic pero paalala mahirap makisama. Isipin nyo din kasi ung kapakanan ng anak nyo paglabas. So if ako ikaw, Paghanapin ko mg work LIP mo pra makapag ipon at bukod kayo. Mahirap maghanap ng work if pregnant kasi ung iba maselan eh, swerte mo if matanggap ka. Ang top priority nyo now is ung pagbubuntis mo at baby mo.
kapag mahal nyo ang isat isa lahat kakayanin nyo ,mas okay din na magkasama kayo , para sa akin mas stress ako kapag malayo sya sa akin , ganyan kami nag simula umalis kami sa both sides namin nag rent ng murang room dalawa pa lang kami noon , hangang sa nagka baby ako lang din mag isa until ngayon may toddler na at may newborn nakakapagod talaga pero masaya na magkakasama kayo , lalo napagsisilbihan mo sila at naalagaan. pinaka mahalaga hayaan nyong Panginoon ang mag build ng lahat gawin nyo syang sentro ng inyong pagsasama , kahit gaano ka bigat na pagsubok kakayanin nyo sa tulong nya.
Finding a job while pregnant is quite a bit hard, if possible meron kang desktop or laptop I suggest you should find wfh na lang. Mahirap sa mahirap ang buhay dito sa manila, lalo na pag preggy ka, kasi times 2 ang gastos. And if I were you kung malaki naman tiwala mo sa kanya let him work sa manila. Kasi kung sasama ka kailangan niya mag rent ng house or apartment for 2 mas malaki gastos non. Being practical lang mas kailangan niyo rin magsave for the baby.
hi mamsh! I'm 25 y.old and ang lip ko ay wala sa tabi ko dahil nagtatraining sya bilang sundalo. 2 months palang tiyan ko nung nagtraining sya kaya sobrang hirap saming dalawa ang magkalayo lalo't magkaka baby kami :( kung ako sayo mamsh sabihin nyo na sa magulang nyo para matulungan kayo. ako kase andito sa puder ng magulang ko and happy naman sila dahil naalagaan kami ng magiging baby ko ☺️ November ako manganganak and November din uwi ng lip ko ❤️
I feel you Momsh. Ayaw ko din maging pabigat pero need mo tulong ng fam mo lalo na pag nanganak ka na. Iba ang level ng puyat at stress. For now, kung okay naman kayo ng Mother mo don ka muna or umupa kayo ng malapit sainyo kung gusto mo talagang bumukod. Kung si Mother is wala namang ginagawa, walang pinapaaral, kunin mo na lang sya tas bigyan bigyan mo ng allowance.
naalala kopo Sabi sakin ni tita better na magsama nalang daw kasi syempre daming marites, daming magsasabi Ng ganto gsnyan masistress ka padaw kakaisip don kaya better na magsama nalang kayo☺️ idunno pero mas prefer koyun, pero Ako po kasi sanay naman po Ako na Wala talaga sa parents ko hehe😅
sumama ka nalang sa kanya.at im very pretty sure makahanap ka rin agad ng work...mag usap kau sa kung ano man ang gusto niong mangyare sa buhay nio.ipaliwanag mo rin yung side mo pra maintindihan din ng bf mo.. dun ka kung saan alam mong komportable ka .goodluck and godbless.
mahirap magbuntis mi lalo na kung maselan, hanap hanapin mo ang tulong ng pamilya mo. Sa sitwasyon mo sa tingin ko mahihirapan ka makahanap ng work kasi some company prefer hndi buntis, kaya diba may mga pregnancy test din n need.
Anonymous